Mga taong makikitid ang utak,
Mistulang ‘di namumukadkad na bulaklak,
Na unti-unting nasisira’t nabubulok,
Mayroong amoy na nakasusulasok.
Isip ay sarado sa anumang bagay,
Ni hindi tumatanggap ng ibang palagay,
Kritiko’y ‘di kayang tanggapin,
Nais ay sila lamang ang magaling.
Ganitong gawi’y napaka-isip-bata,
Matuto sana tayong umunawa,
Namamalagi sa demokratikong bansa,
Kaya matutong tumanggap ng kuro ng iba.
Huwag isiping negatibo ang kritiko,
Sa halip ay gawing inspirasyon mo,
Upang ika’y mas magpursigi’t magyabong,
Sa daang iyong sinusuong.

BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
PuisiSa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!