Sa oras na tayo’y nag-aaway,
Tama nga bang desisyon ang pakikipaghiwalay?
Gasgas na sa atin ang linyang ‘ayoko na’,
Maski ang ‘tayo’y maghiwalay na’.
Mistulang walang araw na hindi tayo nagtatalo,
Na dumadaan pa sa mahabang argumento,
Pati maliliit na bagay ay pinagtatalunan,
Maski pagsulyap sa iba’y pinagseselosan.
Relasyon nati’y mistulang impyerno,
Mukhang hindi na ito magbabago,
Siguro nga’y kailangan na natin ‘tong tapusin,
Ang ating relasyong mistulang dapat nang sumpain.
Siguro nga’y hindi tayo ang para sa isa’t-isa,
Maski tadhana’y tutol sa ating dalawa,
Hanggang dito na lang talaga,
Kahit papaano’y naging parte pa rin tayo ng buhay ng isa’t-isa.
BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
PoezjaSa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!