Minsan sa aki'y mayroong nagsabing,
Sa panloloko lamang daw ako magaling,
Ilang babae na ang aking pinaluha,
Sinaktan nang walang awa.
Sabi nila ako'y hindi nagtatagal sa isang relasyon,
Mga babae'y mistulang aking koleksyon,
Kung pagsabayin ko sila'y walang pakundangan,
Walang pakialam sa kanilang mararamdaman.
Ngunit kahit ganito ako'y wala kang karapatang husgahan ako,
Dahil sa kabila nito'y may hinanakit akong itinatago,
Lahat ng iyan ay may dahilan,
At hindi lamang upang sila'y paglaruan.
Alam kong hindi sapat na dahilan ang sakit na aking nararamdaman,
Upang ibang tao'y aking pasakitan,
Ngunit ako ba'y masisisi niyong lubos?
Ito'y paraan ko lamang upang luha ko'y 'di na muling umagos.
Lahat tayo'y mayroong sariling problemang pinagdaraanan,
At nasa atin na kung paano natin ito sosolusyonan,
Alam kong kung kayo rin ang nasa aking kalagayan,
Wala na kayong pakialam sa iba, sarili'y maprotektahan lamang.
BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
ПоэзияSa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!