Lumalaganap na sakit,
Ay lubhang napakabagsik,
Buhay ay kayang kitilin,
Ng virus na kay hirap sugpuin.Hirap at pasakit ang dala,
Pangamba sa bawat pamilya,
Banta sa ating kalusugan,
Itong 'di makitang kalaban.Hiling ng bawat isa'y magwakas na,
Masugpo't lumayas na si Corona,
Buhay ay muling maging payapa,
Bawat isa'y muling maging malaya.
BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
PoesíaSa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!