Pagtangis

1.4K 6 0
                                    

Sakit na aking iniinda'y mas pipiliin kong itago,

Hindi hahayaang mabatid ng kahit na sino,

Awa sa kanilang mga mata'y 'di ko nais masilayan,

'pagkat batid kong ako'y lalo lamang lalabas na talunan.

Sa oras na ako'y mapag-isa sa gabi,

Doon na lamang ako lihim na tatangis sa isang tabi,

Siguro nga'y talagang ganito kapag ika'y mahina,

Ang tangi mo lamang karamay ay ang iyong mga luha.

Gabi-gabing mugto ang mga mata,

Para lamang sakit ay mawala nang pansamantala,

Pagtangis ko ang siyang aking musika,

Na dulot ng maling taong aking sinisinta.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon