Oh, aking inang mahal,
Kaloob ng Poong Maykapal,
Siya'y bukod-tangi't kakaiba,
Sa kaniya'y wala nang hihigit pa.
Nagsisilbing aking mapa't kompas,
Sa tuwing ako'y maliligaw ng landas,
Siya ang tangi kong karamay,
Sa problema ng aking buhay.
Inang sa aki'y 'di mapapagod at magsasawa,
Ako'y ipagmamalaki't 'di ikakahiya,
Habang buhay siya'y aking pangangalagaan,
Upang kaniyang paghihirap ay aking masuklian.
BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
PoesiaSa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!