Kinalakhang lugar ay hitik sa kultura,
Mga kaugaliang sadyang naiiba,
Mga gawing dulot ay kapayapaan,
Sa mga taong doo’y nananahan.Kulturang ating pagkakakilanlan,
Nagbibigay kulay sa isang lipunan,
Nagtataglay ng iba’t ibang katangian,
Nagbibigay daan sa ating kaunlaran.Kultura’y ating pagyabungin,
Tuloy-tuloy nating palaguin,
Lubos nating tangkilikin,
Mga bagay na sariling atin.Ating kulturang natatangi,
Lubos nating ipagmalaki,
Huwag ikahihiya kaninuman,
‘Pagkat ito sa ati’y kumakatawan.Kulturang sa lipuna’y nananalaytay,
Sa hinaharap ay mananatiling buhay,
Kaya’t lubos natin itong pagyamanin,
Upang susunod na henerasyo’y may aabutin.
BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
PoesíaSa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!