Sa text unang nagkakilala,
Naging kakulitan at kaibigan pa,
Aking loob sa kaniya'y agad napalagay,
Natatakot na baka aking puso sa kaniya'y maibigay.
Dumating ang araw na nais niyang makipagkita,
Ang aming tagpuan ay sa isang eskinita,
Ako'y nagdalawang-isip kung ako'y tatalima,
Sa bandang huli'y napagpasiyahan ring pumunta.
Nang makarating, ako'y nagtaka,
Isa lamang aking katagpo ngunit bakit ngayo'y lima na?
Ako'y pinagtulungan, ginahasa't inalipusta,
Buo aking pagsisisi't sa kaniya'y nakipagkita pa.
Siya'y aking kinasusuklaman hanggang kaibuturan,
Siya'y aking hindi mapapatawad kailanman,
Akala ko siya'y tunay na mabait at maaasahan,
Ngunit iyon pala'y para lamang ako'y kaniyang maisahan.

BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
PoesíaSa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!