Mahal ko, sa iyo'y araw-araw na nasasabik,
Sabik sa bawat yakap mo't halik,
Bawat segundo'y tila napakatagal,
Paglipas ng mga araw ay bumabagal.
Nakakapiling lamang kita sa aking panaginip,
Paghihintay ay sadyang nakakainip,
Tipong paglipas ng araw ay nais pabilisin,
Upang ika'y akin nang makapiling.
Ilang araw, buwan o taon pa ba ang daraan,
Upang sa wakas ikaw ay masilayan?
Hindi sapat na makausap lamang sa telepono,
Iba pa rin kapag ika'y kapiling ko.

BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
PoesíaSa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!