Torpe. Takot. Duwag. Mahina ang loob. Walang tiwala sa sarili. Kadalasan, mga lalake ang ganito. Marami? Oo naman. Sangkatutak ang torpe sa mundo. Pero bakit nga ba may mga torpeng tao? Bakit kaya sila natatakot ipagtapat sa isang tao ang nararamdaman nilang pagmamahal dito? Kung tutuusin, hindi naman mahirap ang magtapat ng nararamdaman mo eh. Ano ba naman yung sabihin mo ng derecho. Hindi mo man masabi ng harap-harapan, marami namang paraan. Sulat, text, tawag sa telepono o mga simpleng pahapyaw o pagpaparinig. Pero syempre, nawawala nga naman daw ang pormalidad at sinseridad kung idadaan nga naman sa ganitong paraan. Mas OK pa rin yung mag-uusap kayong dalawa, hindi ba? Pero bakit habang lumilipas ang mga araw eh nagiging mahirap para sa atin ang pagpapakatotoo sa mga nararamdaman natin? Hindi naman pwedeng palaging pagpaparinig, pagpapahapyaw at patama na lang ang gagawin mo diba? Sabi nga ni Vilma sa pelikula niyang Sister Stella L., ‘Kung hindi ngayon, kailan pa?’ Pano kung siya na pala? Pano kung naghihintay lang din siyang sabihin mong gusto mo siya? Paano, paano, paano? Maraming pwedeng mangyari kung susubukan mo. Sabi nga nila, 'Walang masama kung susubukan mo ang isang bagay, malay mo pagtagumpayan mo ito'.
Siguro nga, hindi naman talaga takot ang isang tao na aminin ang nararamdaman niya. Kahit minsan, wala namang taong ikinahiya niya ang pag-ibig niya, hindi ba? Baliw ka kung ikakahiya mo ang taong mahal mo. Sa totoo lang, nagiging torpe ang isang tao dahil takot siya sa rejection. Takot siyang hindi matanggap. Takot siyang masaktan. Pero sana, isipin mo rin na parte ‘yun. Parte ng pagmamahal ‘yun. Tandaan mo, 'You can't please everybody'. Hindi mo naman pwedeng sisihin ang isang tao kung hindi ka niya gusto at kung hindi ka niya pwedeng magustuhan. Itigil na natin ang konsepto ng pagiging torpe. Tama na. Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman mo? 'Ang pagmamahal hindi tinatago, ibinabahagi ito sa ibang tao'. Isipin mo, pano kung ang pag-amin mo pala ang bagay na pwedeng makapagpasaya sa’yo? Sa inyo? Ang pagiging torpe ay katumbas rin ng pagiging madamot. Unang-una na sa sarili mo, pangalawa sa ibang tao. Hayaan mong maging masaya ang puso mo at ang puso ng ibang tao. ‘Wag mong hayaang dumating ang isang araw na sumabog ka, at sa pagsabog na ‘yun, wala yung taong ‘yun para tulungan kang pulutin ang mga natitirang piraso ng puso mo. Tama na sa pagiging torpe. Mas IN ang pagpapakatotoo. Tandaan, walang nangyayari sa mga taong torpe. ‘Wag mong hayaang habangbuhay na nakakandado ang puso mo, hanapin mo ang susi at buksan mo ito.
BINABASA MO ANG
Isang Salita,Limang Letra,Torpe [ COMPLETED ]
PoesíaPaki Basa Na Lang Sure Makakarelate Po Kayo Lalo Na Sa Mga TORPE.