CHAPTER 15

51 4 0
                                    

Chapter 15

Inistretch ko yung kamay ko. Kakadating lang namin galing ospital. Isang linggo na ang nakalipas. Kakatanggal lang nung sling ko eh.

"Haay.."

Humilata ako sa kama at in-on yung player ko. Maya-maya may kumatok sa pintuan.

"Pasok.."

Mama: "Inihanda mo na ba yung barong mo ha?"

"Barong? Para san.."

Mama: "JC?!!"

"To naman.. Handa na po.. Ako pa.."

Mama: "Akala ko naman.. O sige.. Maaga tayo alis bukas ah.. kasi 10 am yung kasal eh sa laguna pa yung simbahan.."

Bukas ng Sabado na yung kasal ni Ate Liza. Ang bilis din ng panahon, ikakasal na yun. Siguro, kung buhay pa si Kuya Lester. Malamang ikakasal na rin sana siya.

Pagkatapos magdinner, nagtoothbrush at nagpalit na ako. Pumasok akong kwarto ko at humiga na hanggang sa nakatulog na ko.

ZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzz..

"Ano ba.."

Sabay palo ko sa tenga ko. Haay naku. Kilala ko na kung sino to.

"Marielle.. ang ku..leeet.."

Marielle: "Bangon na.. Maligo ka na.. Abay ka pa naman.."

Etong utol ko parang baliw, laging pinapanggising sa akin yung feather nung ballpen niya. Nilalapit niya lagi sa tenga ko.

"Oo na.. gigising na.."

Binuksan ko ang mga mata ko sabay bumangon.

"Halika nga dito ah.."

Sabay takbo naman ni Marielle. Naabutan ko siya sabay kiniliti ko siya sa may bewang. Tawa naman siya ng tawa.

Marielle: "Maaammaaaaa!! Si Kuya!!!"

Binitawan ko siya saka siya tumakbo pababa. Ako naman pumasok na ng banyo at naligo. Pagkatapos, sinuot ko yung black pants ko saka t-shirt. Nilabas ko na rin yung barong ko na nakahanger na. Saka ako bumaba para kumain muna.

Whoa. Nagulat ako medyo madami-dami rin palang bisita sa baba eh. Nag-mano ako kung kani-kanino. Mga kamag-anak daw namin eh makikisabay papunta sa kasal.

Mga 8:00 kami umalis ng bahay tapos nakarating kami ng simbahan mga 9:30. Ang daming tao! Ang dami pala nilang bisita.

Pagdating namin, nagmano na naman ako dun sa mga bisita siyempre pati kay Auntie Julie, pinsan ni Mama, na nanay ni Ate Liza saka kay Uncle Jojo, asawa niya.

Auntie Julie: "Aba'y binata na pala ito ah.."

Ngumiti lang ako.

Auntie Julie: "Teka, yung corsage mo ah.. Kunin mo dun o.."

Sabay may tinuro siya. Mga abay din ata eh. Lumapit ako dun. Medyo nagkakagulo na rin sila eh. Kasi yung sa mga ninong at ninang pa ata sila rin nagbibigay.

"Uh, Miss.. Yung corsage pala.."

Kinalabit ko yung babae dun. Nakatalikod siya nun eh habang nagpipin sa isang ninang.

Pagtalikod niya.. Natigilan ako.

Ganda. Babae.

Biglang lumapit sa akin si Marielle, kinalabit ako.

Marielle: "Kuya yung susi raw ng kotse.. pahiram.."

Binigay ko yung susi sa kanya. Napatingin siya dun sa babae.

Isang Salita,Limang Letra,Torpe  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon