CHAPTER 19

58 3 0
                                    

Chapter 19

Di nakapagsalita si Alex pagkasabi ko nun.

"Uh.."

Ako rin nagulat ako pagkasabi ko nun. Pero yun naman talaga yung naka-engrave dun eh. Sabi ni kuya Lester.

Ngumiti lang si Alex.

Maya-maya dumating si Kuya Tristan.

Tristan: "Lex.. Tawag ka nina Tita Bella.."

"Sige.. Mauna na rin ako.."

Alex: "Thanks ulet ah.. Sa lahat-lahat.."

"Wala yun.."

Naglakad na paalis si Alex sinundan niya si Tristan.

"Alex.."

Lumingon siya.

"Happy BIrthday.."

Ngumiti lang siya sabay sabing..

Alex: "Thank you.. Ingat sa pag-uwi ah.."

Ayun.

Ilang araw na ang lumipas. Ilang linggo na ang dumaan. Mahigit isang buwan na akong nanliligaw kay Alex. Pero minsan pag inaasar ko si Alex, sinasabi ko na, 'mahigit isang buwan ko na pinapatunayan ang pag-ibig ko sayo'.

Sabay sasabihin niya ako ng, 'ang corny mo'. Tapos tatawa na lang kaming dalawa. Kahit yung mga maliliit na bagay na ganun, sobrang special sa akin eh.

DI ko makakalimutan talaga nung Valentines Day, sobra. Akala ko mahihimatay ako nun eh. DI ko alam kung san ako nakakuha ng lakas ng loob sa mga panahong yun.

Flashback

Tinutulak ako ni Stephen.

Stephen: "Pare, dali ano ba.. Pumasok ka na sa loob.. Ikaw nag-isipsip ng idea na yan eh.."

"Tol, ang daming tao sa loob.."

Stephen: "Malamang.. Eh canteen yan!"

"Hintayin ko na lang siya dito sa labas.."

Stephen: "Ewan ko sayo.. Pag tayo nalate, naku.."

Huminga ako ng malalim. Pagpasok na pagpasok ko, lahat tinginan sa akin. Pano ba naman, eh may hawak-hawak akong napakalaking teddy bear, saka isang dosenang white roses.

Pinagpapawisan nga ako habang naglalakad papasok. Nilapitan ko siya, kasama niya yung iba niyang

mga kaibigan. Hiwayan nga halos lahat ng nasa canteen.

Sabay abot ko sa kanya.

"Happy Valentines, Alex.."

Ngumiti siya.

Alex: "Uy.. Naku.. Thank you.."

Ang bilis ng tibok ng puso ko pero sobrang saya ko nun kasi nagawa ko. First time ko kasi ginagawa

yun eh.

End Of Flashback

Eto ngayon, naghihintay ako sa labas ng classroom ni Alex. Minsan pag wala naman akong importanteng

gagawin., sabay kami umuuwi. Ngayon hinahatid ko na siya hanggang bahay nila.

Maya-maya nagsilabasan na sila sa classroom.

"Oi.. Mustah?"

Alex: "Okay lang naman.."

Sabay kuha ko nung backpack niya.

Ewan ko biglang tinignan ako ni Alex. NIlayo ko agad yung tingin ko . MInsan nakakadiyahe

pa rin eh.

Isang Salita,Limang Letra,Torpe  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon