CHAPTER 17

57 3 0
                                    

Chapter 17

Nagulat na lang ako biglang bumkas yung pinto. Si Matt pala.

Matt: "Aba.. Okay ah.. Sino na bang kakanta.."

Stephen: "Kakatapos lang ni torps.. este.. toph.."

Alex: "Torps?"

"Uh.. A-ano...:

Stephen: "Short for.."

"Tropa.. Di ba??"

Tinignan ko si Stephen. To talaga.

Stephen: "Ah.. oo.. Tropa.."

Inabot ko kay Stephen yung mike tapos umupo ako sa tabi. Si Matt naman siyempre umupo sa tabi ni Alex.

Stephen: "O.. Matt.. Kaw gusto mo?"

Matt: "Uh.. Wala akong boses eh.."

Marielle: "Okay lang yun.. Sige na.. Kantahan mo si Ate Alex.."

Nagkatinginan naman silang dalawa.

Matt: "Sige na nga.."

Sabay kuha niya yung mike kay Alex. Di na siya tumayo. Nakaupo lang dun sa tabi ni Alex.

Hinintay namin yung next song. Di ako alam kung ano yung mga pinagpipili na kanta ni Stephen saka Marielle eh.

Pagkakita ko dun sa title, parang natigil sandali yung paghinga ko.

Matt: "Bakit ngayon ka lang

Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y mayron nang laman

Sana'y nalaman ko na darating ka sa buhay ko

'Di sana'y naghintay ako.."

Napatingin ako kay Alex. Kinakantahan siya ni Matt tapos nakatitig talaga si Matt sa kanya.

Inalis ko yung tingin ko sa kanila. Dun na lang ako tumingin sa tv screen. Huminga ako ng malalim. Naalala ko bigla nung.. nung kumanta kami ng sabay.. Napangiti na lang ako..

Tinignan ko ulet si Alex.

Ano ba tong nararamdaman ko? Di pwede to. Magkaibigan kami tapos ganito.. Saka sigurado naman di magkakagusto yun sakin eh.. Parang.. parang si Larisse..

Mukha namang may nararamdaman na siya para kay Matt. Eepal lang ako. Ayoko ding masira yung pagkakaibigan namin.

Isang parte sa kin, gusto.. sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Kahit masabi ko man lang..

Pero sa isang banda.. Huwag na lang kaya..

Haay.. Ewan ko ba.

Marielle: "Huy!! Kuya JC!!"

"Ha? O.. Ba-bakit.."

Pagtingin ko, nakatayo na silang lahat. Ako na lang yung nakaupo dun.

Marielle: "4:30 na kasi no.. Alis na tayo.."

"Sige.."

Stephen: "Mauna na ako sa inyo ah.. Oi.. insan, pakisabay na silang dalawa ah.."

Matt: "Oo ba.."

Nauna nang umalis si Stephen, di na yung manonood ng lantern parade. Kaming apat, sabay-sabay na bumalik sa school. Medyo madami na ring tao nung mga 5:15 na dating namin. Na-traffic nga kami eh.

Mga 6:00 nagsimula yung parade. Ang gaganda saka ang lalaki nung mga lanterns dun.

Marielle: "Ang cute nun o.. Grabe.. Ayun.. Ayun pa.."

Enjoy na enjoy si utol. First time niya kasi makapanood nun eh. Ako, pangalawang beses naman na. Yung unang beses nung first year college ako.

Alex: "Dun na tayo sa may bandang Quezon Hall, maghintay.. Dun na rin naman yung end nung parada.."

Isang Salita,Limang Letra,Torpe  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon