Chapter 11
Miyerkules.
"Good morning.."
Mama: Good morning din.. Kain na..
"Mu~g mapapakain na naman ako ah.. Si Papa?"
Mama: Wala.. Umalis ng maaga.. Oo nga pala.. May lakad tayo sa Sabado ah.. Sa Laguna.. Birthday na kasi ng Papa niyo sa Sabado eh..
Marielle: Oo nga pala no? Sino bang mga bisita?
Mama: Yung mga kumare saka kumpare namin.. saka mga pamilya nila..
"Okay yun ah.."
Pagkatapos ng breakfast, umakyat na ako sa taas at nagtingin kung ano pwedeng suotin. Inisa-isa ko yung mga damit ko. Hanggang sa napag-isipisip ko na yung niregalo na lang sa akin ni Marielle nung Christmas ang suotin ko, yung red. Ibinaba ko at pinaplantsa ko kay Ate Tess. Bumalik ako sa room ko.
"Haay.. Sana magustuhan niya to.."
Tinignan ko yung napakalaking teddy bear na light pink. Paboritong kulay kasi niya yun.
Bumaba ako ulit para manood ng TV. Mamayang hapon ako kasi pupunta kina Larisse. Malayo nga yung bahay nila eh. Buti na lang magagamiti ko yung sasakyan ni Mama kasi may meeting siya ngayon kay ihahatid siya ni Papa.
Ate Tess: Iho, okay ka lang panay lipat mo ng channel ah..
"Uh.. Okay lang po ko.."
Ate Tess: Eto.. Plantsado na..
"Salamat po.."
Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Inakyat ko yung damit ko at nilapag sa kama. Panay ang tingin ko sa wall clock namin. Humiga muna ko. Maya-maya narinig ko tinawag na ako ni Ate Tess para kumain ng lunch.
Ate Tess: Tapos ka na? Parang ang konti naman ng kinain mo?
"Busog na po ko.."
Ate Tess: Himala..
Bumalik ako sa kwarto ko. Pagtingin ko sa wall clock 1:00 pm na.
"Ilang oras na lang.."
Humarap ako sa may salamin. Huminga ako ng malalim.
"Larisse.. I.. I like you.."
Okay na kaya yun?
"Ako si Romeo.."
Ang baduy ata.
"Anong gagawin ko?!"
Humilata ako sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko.
TOK. TOK. TOK.
Binuksan ko ang mga mata ko. Napatingin ako sa wall clock ko. 4:00 pm na?! Hala. Binuksan ko yung pinto.
Ate Tess: Iho.. O.. Gising ka na pala..
"Oo nga ho.. Sige po.. Magbibihis na ko.. May lakad pa po ko.."
Nagmadali akong nag-ayos at nagbihis. Kinuha ko yung teddy bear. Humarap ako sa salamin ng huling beses.
"Kaya ko to.."
Inistart ko yung kotse at nagdrive paalis ng bahay. Dumaan ako saglit sa isang flower shop at bumili ng isang bouquet ng flowers. Pagkatapos, chineck ko yung address ng bahay nina Larisse.
Malayu-layo din ang narating ko bago ako nakarating dun sa bahay nila.
"Eto na ata.."
Huminga ako ng malalim.
Pagmulat ko ng mga mata ko, pagtingin ko nasa kama na ako. Pagtingin ko sa wall clock ko 10:30 na?! Babangon na sana ko pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Nagulat ako biglang pumasok sa loob si Mama.
BINABASA MO ANG
Isang Salita,Limang Letra,Torpe [ COMPLETED ]
PoetryPaki Basa Na Lang Sure Makakarelate Po Kayo Lalo Na Sa Mga TORPE.