CHAPTER 7

74 3 0
                                    

Chapter 7

Nasa kwarto ako ngayon. Nakatingin sa may ceiling. Naisip ko rin yung mga sinabi ni Alex. Babae pa nagsabi sa akin ah. Sa bagay, di ko pa rin naman nasasabi yung tungkol dun kay Stephen. Di rin naman palatanong yun. Siguro nga paranoid lang ako.. Pero natatakot pa rin ako..

Naalala ko bigla si Larisse.

Oo. Gusto ko nga siya. Masaya ko pag nakikita ko siya. Basta...

Gagawa na kaya ng move? Haay..

Tapos kinuha ko yung phone ko. Nagcheck ako kung may bagong messages tapos nagkataon nandun pa yung mga reply ni Larisse last time. Kumuha ako ng maliit na notebook dun sa cabinet ko. Kinopya ko yung mga reply niya. Tapos naalala ko yung sinabi ni Alex..

"Sense of humor daw ha.." Tapos nagbrowse ako ng mga messages sa phone ko. Tinignan ko kung ano yung mga nakakatawa talaga.

To: Larisse

Daddy: anak,bli mo ko ng softdrinks.

Anak: coke o pepsi?

Daddy: coke

Anak: diet o regular?

Daddy: regular

Anak: bote o can?

Daddy: bote

Anak: 80z o litro?

Daddy: tubig na lng!!!

Anak: mineral o natural?

Daddy: mineral

Anak: malamig o hindi?

Daddy: hampasin kta ng walis e!!!

Anak: tambo o tingting

Daddy: HAYOP ka!!!

Anak: baka o baboy

Sana napangiti ko man lang siya kahit papano. Maya-maya biglang nag-vibrate yung phone ko.

From: Larisse

uy.. ang kuleet nun ah.. natawa talaga ako dun.. hehe. tnx.

Sobrang napangiti talaga ko nung nabasa ko yung reply niya. Haay. Huminga ko ng malalim. "Ano kayang gagawin ko? Lord.. help naman diyan.." Napatingin ako dun sa notebook ko. "Hmm." Tapos nagsimula na akong magsulat. Mga simpleng notes lang. Kung anong nararamdaman ko pag nakikita ko siya.. Kung pano ko sumasaya pag ngumingiti siya.. Kapag kinakabahan ako pag nandiyan siya.. Haay.

Maya-maya di ko namalayan nakatulog na pala ko.

Nagising ako ng di oras dun sa alarm ko. Inayos ko yung kama ko tapos direcho c.r agad para maligo. Kinuha ko yung backpack ko tapos hinablot ko na yung mga gamit na makita ko. Nag-ayos ako tapos bumaba agad para magbreakfast. Unang bumati sa akin si Marielle.

Marielle: Kuya!! Naku.. Thanks talaga ha.. Binili mo pa rin ako ng napnap kahit sinabi ko huwag na.. Kasi kala ko baka diyahe sayo yun di ba? Pero binili mo pa rin ako..

Mama: Aba.. Totoo ba yun?

Ngumiti lang ako. Naku po. Kung alam lang nila.. Nagpaalam na rin ako sa kanila maya-maya at sumakay ng jeep papuntang MRT. Mga 8 am nasa campus na ako. At ang sumalubong sa akin sa board?!

No class today. We'll meet next Monday. Don't forget to bring again your take home quiz.

"Di ko alam kung ngingiti ako o mababadtrip.. Haay.." Ang aga-aga ko nagising tapos ganito. Buhay nga naman. Pag labas ko ng room, nakasalubong ko si Stephen. "Uy.. Wala tayong class.."

Stephen: "Ano?! Ano ba namn yan.. San ka na punta ngayon?"

"Ewan ko nga eh.. Kaw?"

Stephen: Samahan mo naman ako.. Philcoa tayo..

Isang Salita,Limang Letra,Torpe  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon