"Ma, why there?!" I asked Mama.
I have graduated from my Senior High years and since magco-college na ako, I will be transferring to a university. Though, I don't see the need to transfer schools.
"Ano ba ang problema kung doon ka sa university na iyon?"
"Ma, wala nga akong kasama roon," sabi ko. "Doon na lang ako sa university na pinapasukan nina Rio o sa university na pinagmamayari nina Gabriel o di kaya sa pinapasukan nina Krypton."
"Masyadong malayo ang school ni Rio gayun din ang kay Krypton. The university of the Vernans couldn't offer your course. Law-specific university pa iyun! Besides, this is Caleon's desisyon."
Liningon ko si Papa na nakaupo sa sofa at nagkakape. Ano ba ito? Umagang-umaga gusto na nila akong paiyakin?
"Papa," sambit ko.
"Don't worry, Sky. Your two cousins are there in that school."
"Really?" Nanlaki ang mata ko. "Let me guess. Zeus and Lyon?"
"No," my dad snickered.
"Then who? Alangan naman si EJ. He won't transfer school."
"Sina Czar at Jared."
Napaawang ang bibig ko.
"Papa, I am not close to them. Doon na lang kaya ako mag-stay sa school ko. Atleast magkasama pa kami ni EJ. Saka Pa, hindi ko close ang dalawang iyon!"
"Don't dwell too much in your comfort zone, Sky," sabi ni Mama.
"I am not, Ma."
"Sky, why don't you take this opportunity to get closer to your cousins," ani naman ni Papa.
"If they would cooperate! Pero, Papa, kita mo naman na parang ayaw din nila, hindi ba? And that Jared? He glares at me always. Alam mo ba 'yon?" I ranted.
"Sky," sabi ni mama. "Tumigil ka na. And whether you like it or not, you will be taking your course in that university."
As if I can do anything!
I went into my room at tinawagan si Krypton. He is my closest ever cousin.
"Krypton, pinagalitan ulit ako ni Mama," sumbong ko sa kanya.
"Makulit ka kasi. Ano? May nasira ka naman bang gamit sa bahay niyo?" I heard him chuckle on the other line.
"Wala. They transfered me in a university na labag sa kalooban ko!"
"Labag sa kalooban? Lalim nun ah!" Nagbiro pa talaga siya!
"This is a serious topic. Stop kidding," sabi ko.
"Fine. fine," aniya. "Pinapatawa lang kita! What d'you want me to do?" He asked.
"Just... Listen," sabi ko.
"Okay," he simply replied.
"I don't want to transfer school. I mean... I am very happy in my school, now. Saka nandoon si EJ na palagi kong kasama. EJ's there to be with me. Ano ba ang problema sa school ko?! And it could offer my preferred course," I ranted.
"Don't you want it? There'll be no bitches that will bully you, anymore."
"Krypton," ani ko. "Bitches will be everywhere along with snakes and plastics. Saka hindi ako apektado d'yan sa kanila. They'll call me whoever they want: Flirt, slut, bitch. Wala akong pake," sabi ko.
"That's the point. Better transfer school para maiwasan mo na sila," sabi niya. "At malamang iyan rin ang isang rason kung bakit ganoon sa iyo sina Tita at Tito. EJ told them that already."
"I don't care nga sabi eh!" Singhal ko. "Bakit? Hindi porket lalake ang kasama ko palagi ay flirt at malandi na? O di kaya tibo na? Hindi ba pwedeng cousin ko lang ang isa doon kaya doon ako sumasama sa kanila. Saka hindi makitid ang isip ko para manglandi. Neither would I be part of LGBTQ."
Dahil lang sa ang kabarkada ko ay lalake malandi na ang paningin ng iba sa akin. Ang iba naman tomboy raw ako.
The fuck I care! Mga rumors lang naman iyun ah!
"You should have girl friends." Narinig ko ang pagbuntong hininga ng pinsan ko.
"Plastik nga at mga ahas," sabi ko. "I can have acquaintances but not that close ones. Saka nagkamali na ako. Uulitin ko pa ba?"
"It's not bad to try until you find someone that's real," sabi niya.
"I'll try if I could," sabi ko. "Pero ayoko talaga sa magiging school ko this school year. Wala ni isang pinsan ko doon sa school ko."
"Learn to fit and survive there."
"Ano? Survival of the fittest ang PEG?"
He snickered. "Don't worry, couz. Jared and Czar will be there."
"I know." I can't help not to roll my eyes. "But, I ain't close to them." I groaned out of frustration.
"But they're your cousins."
"Kahit na! Hindi naman ako feeling close."
"I need to go. Bye!"
Binabaan lang ako ng telepono.
Grabe siya oh!
Nahiga ako sa kama at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko.
I look at my newly-painted ceiling. Kahapon ko lang pinintahan ito at natapos ko rin buong maghapon. And dating nito ay tribal at black and white lang. Tapos sa may vacant wall ko naman eh parang street painting. You may call this 'vandalizing-my-room' pero sadyang boring lang talaga ang buhay para sa akin. At boring ang plain na pinta ng dingding. Kinuha ko ang mga pinta sa akin munting cabinet sa paanan ng kama ko. At saka iyung brush.
Alangan naman ang gagamitin ko eh dila ko sa pagpipinta.
In one side plain na green ang dingding ko.
Ano ang magandang ipinta?
Tribal ang ceiling. The other side of my room is a play of words. Puro letters.
Ang ito naman...
Music.
It will be all about music.
I smiled and started painting.
I've always wanted to be in music industry. Just like Sean and Oliver. Pero hindi iyon ang pinakagusto ko. I don't want to be in the limelight. I want to be someone who supports behind those in the limelight.
While I was painting, I heard my parents conversation.
"Ano naman ba ang ginagawa niya sa kwarto niya? Nagkukulong dahil hindi nasunod ang gusto niya," narining ko ang boses ni mama.
"Probably, she's painting, writing, reading, composing songs. Alam mo naman iyon. Pinapalabas doon ang nararamdaman niya sa ginagawa niya."
"Minsan matigas pa sa bato ang ulo niya."
"Hayaan muna. Makakalimot din iyon ng inis niya."
Now that they mentioned it. Napagtanto kong medyo nawawala na ang inis ko sa mga magulang ko.
Kahit kailan, hindi ko kayang mainis man lang sa mga magulang ko ng matagal.
👗
BINABASA MO ANG
Forbidden
RomanceAn Arcella Series Skylar Vermillion Arcella Sa lahat ng taong pwede kang mahulog, doon pa talaga sa pinsan mo. That happened to Skylar Vermillion Arcella. Lumaki siya na malapit sa mga pinsan niyang puro naman lalake. At sa hindi inaasahang pagkakat...