Chapter 31

2.1K 49 0
                                    

Patuloy pa rin sa paglibre sa akin si Denis and I started to feel something's not right here.

I don't want to assume but maybe... just maybe.

"Skylar, like as always?" Aniyang nakangiti sa akin.

"I am busy, right now," sabi ko.

"Why? May gagawin ka bang homework? I could help you with that," he volunteered.

"No, thanks," sabi ko.

"We always do this, right?" He said.

"Denis. Nakakahiyang palagi mo ako linilibre. I mean... araw-araw pala!" Sabi ko.

He held my hand. "Wala iyon. I am willingly doing this."

"Denis, kung may gusto kang sabihin o ipaalam sa akin, just say it to me directly. Cause, I don't get it when you're treating me like this!" Sabi ko.

Bumuntong-hininga siya. "That is why, I am asking you out."

"Pwede naman dito." Sagot ko sa kanya.

Tumingin siya sa paligid at ang daming mga estudyante.

Bigla niya lang ako hinila at nagpatianod na lang ako sa kanya.

Dinala niya ako sa isang bakanteng room at kami lang dalawa ang nasa loob.

"So? Ano na?" I asked.

Yumuko siya pero hindi ko niya pa rin ako binibitawan. "Do you know who's putting those cards and letters for you in your locker?"

"Ikaw?" Hula ko.

Tumango siya. "Yes, Sky. I like you. And that's also why I keep on asking you out after classes."

Wow! Tumigil ang mundo ko.

Joke lang!

Wala akong naramdaman. I can feel his sincerity pero bakit wala akong maramdaman. I felt nothing!

I laughed awkwardly. "Joker mo talaga!"

"Sky, totoo ang sinasabi ko," he said. Matama ang kanyang mga tingin.

I know na seryoso siya, of course. It's just that I have no idea on how to react!

Napatitig lang ako sa kanya. Unsure of what to say. "So? Ano ang gusto mong gawin ko?"

Lame, Sky!

Sana pala hindi ko na lang siya tinanong tungkol dito, ano?

"I don't ask you to do anything but please, don't let this ruin our friendship," sabi niya. Worry is all over his face.

"It won't," I assured him.

"And, pwede ba kitang ligawan?" He asked.

Naalala ko si Jho.

Maybe they have known about this all along. Maybe this is why tinutukso niya ako kay Denis.

"Imbes na nakatuon ang atensyon mo sa pinsan mo, why don't you give it to Denis, instead?"

Now, I get it!

"Denis, hindi ako sigurado," mahina kong sagot.

"Okay lang kung hindi mo ako sagutin agad. I'm willing to wait. Besides, maybe we should really get to know each other," aniya.

Napapaisip ako. Marahil tama nga si Jho.

There's nothing wrong naman kung liligawan ako ni Denis.

Maybe through Denis, I could forget this feeling I have for Jared.

"Well, wala namang masama kung liligawan mo ako," sabi ko. "So yes."

He hugged me quickly.

"Thank you, Skylar," sabi niya.

"Uh, sure."

"Skylar!" I heard another voice.

Denis let go of me at pareho kaming lumingon sa lalakeng iyon. He was standing by the door frame, arms crossed, jaw clenched and his eyes was staring at as sharply.

"Sabi ni tita, ihahatid kita sa inyo," sabi niya sa akin. "Let's go!"

His voice was authoritative.

"Bye," paalam ko kay Denis at sumunod kay Jared.

The moment na ganyan siya, wala akong magawa kundi sumunod sa kanya.

"Where is my driver?" Tanong ko sa kanya.

"Hiniram lang ni Mommy kasi ang driver niya nasa ospital. Na-confine ang...," paliwanag niya. "Pinsan namin."

Ah, okay!

Sumakay kami sa sasakyan niya.

Walang imikan. I would take a glance at him from time to time. Naka-concentrate lang siya sa pag-drive. Walang pakealam sa akin.

"So, kayo na pala ng unggoy na iyon?" Tanong niya.

"Unggoy? Anong kami ng unggoy? Nakita mo ba akong nakikipagdate sa unggoy sa zoo?" Hindi ko napigilang irapan siya.

"Psh. Hindi unggoy sa zoo ang tinutukoy ko. Ang unggoy na naligaw sa university natin. Magkayakap pa nga kayo eh," sabi niya.

"That was Denis. At hindi kami!" Paglilinaw ko.

"Ano iyung payakap-yakap niyo? Sa bakanteng classroom talaga? Ano iyon? Secret love affair?"

I don't understand this guy. Hirap ispelingin!

"Secret love affair ka d'yan!" Kung hindi lang ito nagda-drive, pinektusan ko na 'to eh! Swerte niya at nagmamaneho siya ngayon. Baka pag pinektusan ko ito, mabangga pa kami. Okay lang kung siya matigok pero kapag dalawa kami... nevermind!

"He said 'he likes me'," sabi ko at agad na niyang pinutol ang pagsasalita ko.

"Kinilig ka naman?"

Feeling jealous boyfriend?! Kainis!

"Oo. Bwisit!" Angil ko sa kanya. "Patapusin mo nga ako."

Nanatili siyang tahimik.

"Tinanong niya if pwede siyang manligaw sa akin."

"And you said yes," he cut me off again. "Tapos nag-thanks siya sa iyo! Nagyakapan kayo ganun! Akala mo hindi ko alam?"

"Alam mo naman pala eh!" Halos umusok na ako dito sa kinauupuan ko. Alam niya naman pala bakit tinanong niya pa ako? Pinagsayang niya lang ako ng laway ko.

"I'm telling you Sky, stop flirting with boys," sabi niya. His voice was damn stern.

"I ain't," I said in defense. Why is he accusing me of flirting? He is ridiculous!

"I don't like him," sabi niya ng diretsahan.

"So ano? Lalayuan ko? No way!" I shook my head in disbelief. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.

"Yes way!" Sagot niya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. His eyes were like daggers while looking on our way.

"Ikaw ang may ayaw sa kanya, di ikaw lumayo! Saka, ano naman kung ayaw mo sa kanya? Hindi ko lalayuan ang taong iyun dahil ayaw mo, okay!" Sabi ko.

Bigla niyang hininto ang sasakyan niya.

Agad akong bumaba sa

Nasa tapat na pala kami ng bahay ko.

Agad na akong bumaba at pumasok sa gate.

"Wow ha! Hindi man lang isinarado ang sasakyan?!" Narinig kong sigaw niya.

I honestly don't get him? Anong masama kung manliligaw si Denis? Hindi niya naman ako papakasalan.

You'll just make Denis as a rebound for you get over with Red, my subconscious said.

I admit it. I need to stop feeling this way for my cousin.

👗

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon