"You are such a shame, Skylar!" Mama massaged her temples.
Ako naman ay nakaupo lang sa kama ko at umiiyak.
"Paano kung may nakakitang iba sa inyo?! Sky, magpinsan kayo!" My mother snarled.
Napailing lang si Papa sa akin. They are disappointed. I know.
"Hindi mo ba naisip ang kahihinatnan ng ginawa niyo ni Jared?!" Dagdag pa niya.
"Ma, Pa, we love each other. Saka hindi naman kami blood-related!" I told them.
"Blood-related?! Seriously?! Hindi porket na hindi kayo magkadugo ay pwedeng-pwede na kayong makipagrelasyon sa isa't-isa. Dala mo ang apelyido ng pamilyang ito. Hindi mo ba kailanman naisip iyan?" Papa snapped and I was taken aback. Namilog ang mata ko.
"Papa..." I trailed off.
He raised a finger at me. "From now on, you will never see Jared. Well, for a while!"
"Papa, naman oh! Mahal namin ang isa't-isa! Why don't you just let us be happy?!"
"Mahal? Alam mo ba ang pinagsasabi mo, Sky?" Mama glared at me. "Wala kang alam sa pagmamahal!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Eh kayo, may alam ba sa pagmamahal? I bet you only know a percent of what love is."
Nasampal ako ni mama. I touched my left cheek kung saan tumama ang kamay niya. Mahapdi-hapdi pa ito!
"Sumasagot-sagot ka na pala? I never raise you to be someone this indecent!"
"Bakit? Ikaw ba ang nagpalaki sa akin 24/7? Ma, minsan ka lang magparamdam sa akin. You only taught to be like you! All you ever cared about me is my image. Ayaw mong madungisan ang imahe ko sa publiko dahil ayaw mo madamay pati ang sa iyo!" Every words flown out of my mouth like the rushing water of a river.
"Enough of this, Skylar Vermillion!" Saway sa akin ni Papa. "Don't talk back to your mother like that!"
"Caleon, ikaw ang magdisiplina sa anak mo!"
Lumabas si Mama ng padabog sa kwarto.
"Skylar, hindi ko alam ang nangyayari sa iyo!" Dad sighed. "You are grounded. Tutal ay sembreak naman. I will take care of your transfer!"
Nanlaki ang mata ko. "Transfer?"
"I have decided to transfer you to another university for the next semester."
"Biglaan naman po iyan, Papa!"
"Iyon na ang decision ko. For now, you are grounded. Where is your phone?"
"Pa..."
"Your phone."
I gave my phone to him in defeat.
"Huwag ka munang makipag-usap kay Jared."
He went out of my room.
What the hell?! Just what the hell?!
Napayakap ako sa sarili ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
I woke up. Umaga na pala.
My eyes are sore at hindi pa ako nakapagbihis.
Pumunta muna ako ng banyo upang maligo.
Matapos nun ay napahilata ako sa kama.
After what happened that night, gusto ko lang makausap si Jared. Ngunit, paano kung kinuha naman ni daddy ang celphone ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden
RomanceAn Arcella Series Skylar Vermillion Arcella Sa lahat ng taong pwede kang mahulog, doon pa talaga sa pinsan mo. That happened to Skylar Vermillion Arcella. Lumaki siya na malapit sa mga pinsan niyang puro naman lalake. At sa hindi inaasahang pagkakat...