Chapter 34

2.1K 44 1
                                    

"So, all this time alam niya pala talaga?" Sabi ni Jho.

"Yes," sabi ko.

Nanginginit ang mga pisngi ko habang kinwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Jared.

"Paano si Denis?" Tanong niya.

"Ayoko siyang paglaruan... gawing panakip-butas," sabi ko.

"Tell him na huwag ka na niyang ligawan," sabi niya. "Dahil sa mga pinsan mo, I am sure he'll understand."

Napabuntong-hininga.

Sumunod na araw ay kinausap ko na si Denis tungkol doon.

"Denis, may I talk to you, privately?" Sabi ko sa kanya.

"Sure," sagot niya.

Pumunta kami palagi naming tinatambayan noon.

"Pasensya na sa mga pinsan ko ha," panimula ko. Below the table, my fingers were fidgetting.

"Okay lang iyon. I understand kung ganun sila ka-protective sa iyo. I mean, kung may manliligaw kay Aurora iyun rin siguro ang gagawin ko," he said.

"And, Denis..." I trailed off. Alam kong ikalulungkot niya ito!

Tinitigan niya ako. "Maybe you have to stop courting me. My cousins won't allow me."

"Okay. But, we can still be friends right?" He said and gave me a weak smile.

"Yes, of course!" Sabi ko.

We retained our friendship but it was not like before. Medyo distant kami sa isa't-isa. Naisip ko ring mas mabuti na lang na ganoon.

Aurora would join us some time pero hindi na as always. She found her circle of friends... Iyung mas makakarelate siya!

Nakaupo lang ako sa bench at hinihintay si Jho. Kanina pa iyon ha!

"Sky," aniya at biglang tumabi sa akin.

Hindi ko siya liningon. Basta, ayoko! Mas mabuti pa na hindi niya ako lapitan at kausapin.

"Sky, ayokong distant ka sa akin," aniya.

"Pero mas mabuti nang malayo tayo sa isa't-isa," sagot ko.

"Why?" Hindi ko man siya lingunin, nakikita ko ang pagkunot ng noo niya.

"You said," simula ko. "You like me. I... I like you..."

Uminit ang buong mukha ko. Shet! Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya.

Malapad siyang ngumingisi. "So?"

Ang sarap na niyang batukan kaya hindi ko na pinigilan ang sarili ko!

"Aray!" Bulalas niya at humagalpak sa tawa.

"Hindi ka nakakatawa!" Saway ko. "Magpinsan tayo, di'ba?! Kung magiging malapit tayo sa isa't-isa, lalalim ang feelings natin para sa isa't isa!"

"We ain't cousins, Sky!" He retorted. "Kung lalalim, so what?"

"Bwesit ka talaga!" Tumayo ako para umalis. Bahala na si Jho. Aantayin ko na lang siya sa ibang lugar.

"Sky, paano kung mawala?" Napatigil ako sa paglalakad at liningon siya ulit.

"What?"

"Sky, paano kung mawala itong nararamdaman natin para sa isa't-isa kapag naging malapit tayo? I believe our feelings our confusing and if we would be close to each other then we might realize what we are feeling is something that's brotherly or sisterly," pahayag niya.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon