Chapter 39

1.8K 36 1
                                    

"Eighteen na siya next month," Jared grinned at me.

"So?" Pataray kong sagot.

"Wala lang," sabi niya. "Mukhang problemado ka kasi."

Oo. Problemado ako. Hindi ito dahil sa debut ko, I tell you.

"Parang stress na stress ka eh hindi ikaw naman ang umaasekaso ng debut mo," sabi niya.

"Hindi debut ang pino-problema ko," sabi ko.

"Ano? Di ka nakapasa sa exams, 'no?" Panunuya niya.

"Duh! Pasa, ano! Hindi naman ako bobo." Napairap ako sa kanya.

"Eh ano?" Kumunot ang noo niya.

Liningon ko siya. "Kailan birthday mo?"

Natulala siya nung una pero bigla na lang siya humagalpak sa tawa.

"Anong nakakatawa?" Nagpataas ako ng isang kilay.

"We are in a relationship for a month, Sky. You still didn't know when's my birthday," sabi niya at nag-iwas ng tingin. "Tsk. No wonder."

I tilted my head. "Tatanungin ba kita kung alam ko?"

"You like me even before, right?"

"Ano connect niyan sa tanong ko?"

"I thought you girls stalk your crushes?"

Nasapak ko na nang wala sa oras.

"Not all, mister." I glared at him. "Wala sa ugali ko iyan! Besides, why would I stalk someone na palagi ko naman kasama?"

"That's why." I heard him mutter.

"Ano?"

"Wala," napanguso siya.

"So kailan birthday mo?" Tanong ko ulit.

"Hanapin mo sa FB," he blandly said. "Sige, may practice pa ako."

Umiba bigla ang ihip ng hangin sa utak niya.

Kanina mukhang masaya tapos ngayon disappointed.

Dahil ba hindi ko siya stinalk?

Asa naman siyang gagawin ko iyon!

Matanong na nga lang sina Conrad.

Pagkatapos ng huli kong klase ay pumunta agad ako sa cafeteria. Tambayan na kasi iyon tuwing hapon nina Conrad.

Pagkakakita nila sa akin ay kinawayan nila ako.

"Skylar!" Tawag ni Jonas sa akin.

"Hi," matipid kong bati.

"Wala si Jared dito," sabi ni Riley.

"Siya ba hinahanap ko?" Sagot ko.

They looked at each other.

"Then who?" Clarke asked.

"Kayo," sagot ko.

"Bakit, Sis? May problema na naman ba kayo ng pinsan mo?" Concerned na tanong ni Riley.

"Wala. Kasi, tinatanong ko si Red kanina kung kailan ang birthday niya. Hindi siya sumagot. Kailan ba?" Tanong ko sa kanila.

"September 22," sagot ni Conrad.

Tapos na?!!

"September 23 ngayon meaning..."

"Kahapon birthday niya, Sky," Jonas said.

"No one even told me?!"

I should've brought him a present!

Or surprise him!

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon