Chapter 40

2K 39 1
                                    

"Skylar,  you have to prepare," my Mother said.

I checked the time. 1:30 p.m. pa lang.

6:00 p.m. pa nga iyon. Masyadong OA!

"Mamaya na, Ma," sabi ko.

"Skylar!" Tinaasan ako ni mama ng kilay.

"Fine, fine!" I said in defeat.

Napabuntong-hininga lamang ako at naligo.

Matapos kong maligo ay nagsimula na akong mag-ayos.

Sinimulan ko nang e-make over ang sarili ko. Light lang naman ang make up ko.

Inilugay ko lang ang wavy kong buhok. Linagyan ko lang ng hairpin ang ibang strands ng buhok ko na gumugulo sa mukha ko.

Eighteen years old na ako.

Biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Sky," tawag ng kasambahay namin.

Agad ko siyang pinagbuksan.

"Ang susuotin mo pala," sabi niya.

"Salamat," sabi ko.

I take a look at it.

Kulay pula. Ang paborito kong kulay.

Laced ang pang-ibabaw at silky ang sa pang-ilalim. Simple lang sang sa top part. Pero iyung skirt ng damit ko ay may intricate na beadwork.

I would really commend Tita Lucina for this. Alam niya talaga kung ano ang gusto ko!

Isinuot ko na ito at himalang naging komportable ako sa suot ko.

I look at myself in the mirror.

Excited na talaga ako!

5:10 p.m. na nang biglang kumatok si Mama.

"Sky, are you ready?" She asked.

"Yes po, Ma," pagsagot ko.

Agad ko siyang pinagbuksan.

Nang makita niya ako ay nakita ko siyang ngumiti.

"Dalaga na ang anak ko," aniya at niyakap ako.

Sentimental talaga ni Mama.

"Halika na," ani Mama.

"Baka ma-late pa tayo. Ayaw kong ma-late ka sa sarili mong party," ani mama.

"Sige po." I smiled at her. But, wait? "Ma, nasaan si Jared?"

"Nauna na sa venue," sagot ni mama. "Why?"

"I thought he would be with us," sabi ko.

"Huwag kang mag-alala, mija. Everything will be fine," sabi ni Mama.

I smiled.

Excited na kinakabahan. Basta magkahalo na emosyon ang nararamdaman ko.

Excited dahil isang beses lang kaya ako magkaka-debut and it will be fun especially na si Jared and escort ko.

Nerbyos dahil baka mag-epic fail ang party. At ang regalo ko kay Jared baka hindi niya magustuhan!

Speaking of regalo, pasimple kong chineck ang bulsa ko at naramdaman ko ang small box doon.

Since cocktail itong sinusuot ko ay shorts ang suot ko sa ilalim nito.

Usually kasi pag naka-gown ako, nakapantalon ako sa ilalim nito.

Ayaw kong makita ito ni mama. Interrogation naman iyon kapag nalaman niya!

"Let's go," sabi niya.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon