Chapter 12

3.1K 60 0
                                    

"I don't like the way he looks at you," bulong ni Jared sa akin.

His breath touch my earlobe and it sent shivers down my spine.

"What? Why do you dislike him?"  Tanong ko sa kanya.

"He likes you," sabi niya.

Marahan akong napatawa. "Assuming?"

"I am a guy. I know what I guy feels," aniya.

"Women have intuition... Instinct!Hindi naman ako manhid para hindi malaman kung may gusto ang tao sa akin," pahayag ko.

"Let's see then," aniya.

Liningon kami ni Theo. "Andito na tayo."

Nakita ko ang maliit na bahay sa gitna ng mga puno ng niyog.

Sinuyod namin ang daan papunta sa maliit na bahay na iyon.

"Iwan na lang natin dito sina Quintus at Tempesta," sabi ko. "Wala namang magnanakaw nito dito."

"Sige," pagsang-ayon ni Theo.

Bumaba kami sa kabayo at itinali ang mga kabayo sa puno ng niyog.

"Dito ka lang Tempesta ha," habilin ko sa kabayo.

"Sasagot iyang kabayo sa'yo," sabi ni Jared sa akin.

Napairap ako sa kanya. Ang hilig niya mang-asar!

"Why are we here by the way?" Tanong niya pag-iiba ng usapan.

"Let's say I'm visiting my sisters. My biological sisters," sabi ko.

Nanguna ako sa kanila at doon ko nakita ang babaeng morena at kasingtangkad kong bumibilad ng copra.

"Leah," tawag ko sa kanya.

Tumingin siya sa direksyon namin at nakita ako. Gumuhit agad ang kanyang magandang ngiti ng nakita ako.

"Sky!" Sigaw niya at iniwan ang ginagawa niya para tumakbo papunta sa akin.

Agad niya akong hinagkan ng mahigpit.

"Ikaw ha," aniya ng pinakawalan niya ako. "Tatlong taon kang hindi nagpakita. Nakakatampo ka talaga!"

"Lyneah Vanessa Trinidad. Inutusan kang magbilad ng copra pero hindi mo tinapos at tumakas ka na naman! Isusumbong talaga kita kay Mamang pag nakauwi na siya," narinig ko ang isang boses na alam ko kung kay sino. Kahit kailan masungit at parang warfreak itong si Yvonne.

Napairap si Leah sa narinig niya.

Nakita kong nasa labas na si Yvonne at nakapameywang na.

Hindi siguro kami nakita dahil sa mga matatangkad na halaman ni mamang.

"Leah!" Sigaw niya sa aming isang kapatid.

"Yvonne!" Sigaw ko balik sa kanya.

Lumabas kami sa mga halaman na iyon.

"Skylar?" Parang hindi pa sigurado sa nakikita niya.

"Yvonne, ako ito!" Yinakap ko siya ng saglit. We ain't really that close. Pero syempre na-miss ko siya.

Kung si Leah ang isip bata at medyo pasaway. Itong si Yvonne ang masungit at ang pinakamaganda sa amin.

"Sky, kailan ka naging matangkad?" Mapanuya niyang tanong.

Nakalimutan ko pa lang idagdag na siya rin ang sobrang manlait.

"Wow! Ako na ang pinakapandak," sabi ko.

Marahan siyang tumawa at nag-peace sign. "Joke lang!"

"Pwede maki-join sa little reunion niyo?"

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon