Kailangan kong mag-review para sa test na ibibigay ng professor sa amin.
Biglang may kumalabit sa akin.
"Stop that, Red," saway ko. "I'm reviewing."
Wala ako sa mood para sa trip niya!
Kahit nagre-review ako ay siya pa rin iyung nasa isip ko. Hindi ko naman siya laging iniisip. Iyung tipo lang na bigla siya sumasagi sa isipan ko.
"Red? Sino 'yun?" Nagulantang ako ng napagtanto kong hindi si Jared ang nangungulit sa akin. Liningon ko siya at mukha nga ni Denis ang nakita ko.
Pakiramdamdam ko'y namumula 'ata ako.
"Uy! Sino si Red? Boyfriend mo?" Tanong niya sa akin.
"No!" Sabi ko agad. "Pinsan ko si Jared!" Paglilinaw ko.
"Ahhh..." Iyun lang ang naisambit niya.
Luminga-linga ako, hinahanap si Jared. Bakit wala siya?
"Have you seen him anyway?" Tanong ko kay Denis.
"Today's their tournament sa ibang school," sagot ni Denis. "Hindi mo alam?"
"No," sabi ko na lang.
Hindi naman siya nagsalita pa.
I flip the pages from one page to another?
"Are you sure you're reviewing?" Tanong niya.
"You know what? This is how I review. Please shut up," sabi ko.
"Sungit!" Aniya.
Walang magawang maganda itong kumag na ito. Mahilig siya mangulit at mang-asar!
Hindi nagtagal at dumating na ang professor namin.
Habang ako ay pilit na nakikinig kay Prof itong katabi ko naman ay panay ang tanong sa akin.
"Ano bang pinagsasabi ni Prof?" Bulong niya.
"May tainga ka ba?" Tanong ko.
"Oo," sagot niya.
"Eh 'di gamitin mo," pambabara ko sa kanya. "Makinig ka kasi hindi iyung tanong ka dito nang tanong."
Tumigil na siya. Pagkatapos ng ilang minuto, he poked me again!
"Fuck!" Napamura ako. "Ano ba?"
"I don't understand what he's talking about," he told me.
Napairap ako. "Hindi mo nga naiitindihan, ako pa kaya?"
Ngumisi ang ugok. Napakunot naman ang noo ko.
"Gusto mo turuan kita?" Aniya.
Napataas ako ng kilay. "Akala ko hindi mo naiintindihan?"
"Joke lang iyon," aniya.
"Miss Arcella, Mr. Rivera, care to share what you're talking about?" Tanong ng aming Professor.
Parang nalaglag ang puso ko sa tyan ko. Bwisit! Pinandilatan kami ng Professor. Ano na naman ba ang parusa niya para sa mga nakikita niyang nag-uusap sa klase niya?
Ugh!
"Prof, Miss Arcella doesn't understand the lesson and she asked me to explain it again," sagot ni Denis.
Baliktad yata? Pero sasakyan ko na lang. Ayokong gumawa ng report noh!
"Miss Arcella, can't you understand the lesson?" Tanong ni Prof.
"Yes," sagot ko saka napakibit-balikat. "Sort of... I guess."
"Alright," aniya. "Mr. Rivera, I will ask you to follow up Miss Arcella with our lessons. Understood?"
BINABASA MO ANG
Forbidden
RomanceAn Arcella Series Skylar Vermillion Arcella Sa lahat ng taong pwede kang mahulog, doon pa talaga sa pinsan mo. That happened to Skylar Vermillion Arcella. Lumaki siya na malapit sa mga pinsan niyang puro naman lalake. At sa hindi inaasahang pagkakat...