Chapter 21

2.4K 60 1
                                    

Jho snapped her fingers before me. At doon lang ako bumalik sa sarili ko.

"Ano bang problema mo? Mukhang ang lalim ah!" Sabi niya.

"Wala ah," sagot ko sa kanya.

Ayaw ko lang naman sabihin sa kanya ang iniisip ko.

Kahit gusto kong sabihin sa kanya, parang may nagsasabi sa kaloob-looban kong hindi dapat!

Alam ko namang may sasabihin talaga siya kapag nalaman niya.

Tulad ni Krypton...

Sinapak lang ako bigla ng babaeng sa harap ko.

"Aray!" Napasigaw ako. Tiningnan ko ang braso kong nasapak at nagmarka talaga.

"Nakikinig ka ba sa akin?" Napahalukipkip siya.

"Ano bang tanong mo?!" Angil ko. Masakit pa rin iyong sinapak niya!

Napaismid siya. "See? You just spaced out! Ano bang problema mo?"

Now, she is concerned!

"Wala nga akong problema," sabi ko sa kanya. "I'm just wondering if I passed Ms. Dela Cruz's assessment."

She looked at me skeptically but then she believed me.

"Mataas ang makukuha mong grades doon," she told me. "We have reviewed on that and the given items were so easy."

"For you because your Miss Genius, but not for me," sabi ko. "I am not a smart-ass."

"Matalino ka, Sky," sabi niya. "Hindi ka lang masyadong focus sa pag-aaral. You are more into extra-curricular stuff kasi eh. Isa pa, walang hindi matalino basta nagsisikap."

Gods, Jho! If you only know what really keeps bugging me. And it's not the assessment, I tell you.

Natapos na rin ang buong araw ng klase. Ginawa ko agad ang mga assignments ko at pumunta na sa covered court ng university.

Saglit lang naman talaga ako dito. I'll just drop-by to give them these cookies then mangangamusta at uuwi na ako. Saglit lang naman ako doon.

Pagpasok ko pa lang sa covered court ay nakita ako agad nina Conrad at Riley.

"Sky!" They gave me a hug.

Ang mga sinabi sa akin ni Krypton kahapon ay may epekto sa akin.

Maybe being close with guys are not that nice to look at. Especially dahil babae ako.

It may look different for others.

At doon ko rin natandaan ang parating sinasabi ni Jared sa akin kapag nakikipaghalubilo ako sa kaninumang teammates niya.

It would always go like this:

"Stop flirting with each other in front of me."

O di kaya...

"Sa harapan ko pa talaga kayo nakikipagharutan."

Something struck me when I think of it.

Imbes na yakapin ko sina Conrad at Riley ay naestatwa ako.

I didn't hug them back.

And they seem not to notice it!

"Bakit ang tagal mong hindi nagpakita?" Tanong ni Conrad.

"You know that busy ako sa studies ko and I'm working for the school's paper," sabi ko.

Yes. Nag-apply ako para maging illustrator for school's newspaper and magazines. Tinanggap naman nila ako kaya ayun! Gumagawa rin ako ng slogans. Palipas-oras ko lang naman eh.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon