Chapter 27

2.2K 44 1
                                    

 Pagbukas ko ng locker ay may nakita akong isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang pink scented card.

Binasa ko iyon at ito ang sabi:

"A million stars up in the sky
one shines brighter I can't deny
A love so precious a love so true
a love that comes from me to you
The angels sing when you are near
within your arms I have nothing to fear
You always know just what to say
just talking to you makes my day
I love you with all of my heart
together forever and never to part."
   

Napangiti ako.

Ang corny nang nagsulat nito!

Ano naman ba ang tripping ni Denis?

Oo. Kahit walang pangalan ni Denis ay alam kong kay Denis. Alam ko ang handwriting nun!

His penmanship is stout. Bagay sa mala-joker niyang attitude.

Napailing na lang ako.

"Hindi mo nasabi sa akin na may admirer ka," sabi niya. His voice sent shivers down my spine.

Napalingon ako sa kanya. He's face was so grim at ako naman nanigas sa kinatatayuan ko.

He took the card away from me along with the envelope of course!

And I gasped in astonishment with the next thing he did.

Do you know what it is?

He just tore it off!

Nakakainis!

"Look, that was not from my admirer," sabi ko sa kanya.

Oo. Naiinis ako sa kanya and at the same time mayroon sa sistema kong... 'di bale na nga! Hirap maipaliwanag!

Inilapit niya ang mukha niya akin at diretso ang mga nanlilisik niya mata sa kaluluwa ko.

Shet! Hindi ako makahinga!

"That wasn't from your admirer? Then that was from your lover, wasn't it?" He said. I can feel his breath and that didn't do anything good.

My stomach churned more!

Pero, kailangang dedmahin ko ito.

I have to ignore this. Dapat immune na ako kay Jared. Dapat hindi ako apektado!

"Would you stop acting like my boyfriend?" I pushed him away... slightly.

Gods! Hindi ko na kaya. His face so close to mine makes me dizzy!
It took him aback.

Wrong move, Sky!

Bakit sa lahat na katagang available sa universe, iyon pa ang nasabi mo?!

"So, ano? Boyfriend lang ba ang pwedeng makagawa nun?" His voice turned soft.

"Sabihin mo nga sa akin, Red? Bakit ka ba ganyan umasta, ha?"

Hinawakan niya ang magkabila kong braso. Napabuntong-hininga siya. "I'm just protecting you, Sky! I am your cousin."

Tinapik ko ang mga kamay niya.

"Then stop this! Don't treat me like I'm some sort of a fragile thing. Like I'm something vulnerable. Dahil hindi ako ganoon! I understand kong gusto niyo akong protektahan pero ilagay niyo sa tama. Nasasakal ako!" sabi ko.

Napatalikod ako at lumayo na sa kanya.

Totoo iyung sinasabi ko!

Nakakasakal na ang lintik na pagpoprotekta niya!

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon