-Tara Polaris Stanislava-
"Waahh!!! Kinikilig ako! Kinikilig ako" Hinampas hampas pa ako ni trixie habang nakaharap sa cellphone niya. Mauuwi nanaman ang usapan namin sa wattpad panigurado.
"Trixie masakit!" Ilag ko sa bawat hampas niya.
"My God! Yung mata niyang kung makatingin, yung labi niyang mapupula, yung tindig niya, yung alam mong pag minahal ka niya ikaw lang" nakapikit siya habang nakatingin sa kisame.
"Tindi mo mare!" binatukan ko nga at ng makaganti "Wala ng ganyan! Wala!"
"Bitter!"
"Wiser!" pag correct ko sakanya "Wiser! Mas matalino. Mas maganda. Mas sexy! Ganyan na ko ngayon" pa pose pose pa ko.
"Mas natakot! Mas umiwas! Mas bitter!" tumapat siya sa tenga ko "Ganyan ka!Ganyan! Sa ganda mong yan Star! Bakit wala kang bf?" tinaasan niya ko ng kilay.
"Dahil wala pa kong nakikitang matinong lalaki!"
Lumapit siya sakin at hinawakan ang dreamcatcher na keychain ng cp ko "Bakit di ka magwish dito? Sa dinami dami mong dream catcher wala pa ba silang nabingwit na lalaking magmamahal sa'yo?"
"Wag mo idamay ang mga dream catcher ko dito!" Depensa ko. Yes! I collect dream catchers. Natutuwa ako sakanila. Para bang nakakarelax at nakaka kalma tuwing titignan ko sila.
"Sus! magbasa ka nalang ng wattpad baka mainlove ka pa kay ZEKE PERSEUS CAELUM!" Linahad pa niya ang mga kamay niya kasabay ng pagbigkas.
"Sino naman yun?"
Kinuha niya ang cp ko at nagkalikot "Ayan! magbasa ka! nagdownload na ko ng watty mo. Username mo:
tarapolaris, password:magandaako" sabay tawa niya"Nag aksaya ka ng oras"
"Wag ka ngang ganyan Star! Try mo lang at ng makilala mo si ZEKE PERSEUS CAELUM! Zeus for short!"
"Ano mapapala ko?"
"Maiinlove ka ulit. Lalambot ang puso mo. Matututo kang magmahal."
"On going ba to?" tanong ko
"Oo! Pasimula palang. Basta si Zeus perfect kung idescribe dyan. Gwapo. Matalino. Maganda katawan at higit sa lahat! Mahal niya si Stellar ang babaeng hinahanap niya ng matagal na panahon" pumalakpak pa siya
"Bakit niya hinahanap? At bakit siya nawawala? Baka nagtanan na kasama ang ibang lalaki " hinampas niya ako ng unan
"Hindi maaari yan!" protesta niya "Adventure yan ni Zeus at kung paano niya hahanapin si Stellar and take note true to life yan!!!" sigaw niya
"Kalokohan! May nageexist pa bang ganyang pagmamahalan?"
"Ngayon di tayo sigurado pero noon? OO!"
"Sino ang nagsulat?"
"Base sa description niya. College student tulad natin.Umm?Walang nasabi kung saan nag aaral. Nonfiction to base sa diary ng lola niya sinulat lang niya sa makabagong panahon!"
"True to life? geez! katakot! osya! okay. Uwi na ko! Ginagabi na ko." Nandito pa din kasi ako sakanila kahit 10 na ng gabi.
Hinatid lang niya ako sa may parking area at nagdrive na ako pauwi samin
"ssscccrrratttchh" naumpog ang ulo ko sa manubela dahil sa biglaang pag break. May tinamaan yata ako.
Dali dali akong bumaba ng sasakyan para mag check "Ayos ka lang ba?" bumungad sakin ang magandang babae na parang wala sa sarili.
"Okay lang thank you ate"
"Bakit bigla kang tumawid? Dadalhin kita sa hospital" nadaplisan kasi siya sa paa
"Wag na!gagaling din to tsaka may hinahabol kasi ako"
"Sino?" luminga linga ako para makita kung meron pang tao dito maliban samin
"You are creepy!" I sighed "Ihatid na kita sainyo" Presinta ko dahil alam kong di niya kayang umuwi mag isa
sumakay siya at naging tahimik ang buong byahe"Thank you!" sabi niya bago lumabas ng sasakyan
"Welcome. Mag iingat ka"
"Ikaw din ate. May gusto ka bang hilingin? Kapalit ng pagtulong mo?"
"Ay naku! Ikaw na nga tong naabala ko e. Wag na"
"Sige na ate. Di ako bababa dito"
Ngumiti ako at nag isip at dahil alam kong hindi niya mabibigay to at wala akong balak na tumanggap ng anumang suhol
"Buhayin mo si ZEKE PERSEUS CAELUM!" Nakabisado ko na ang pangalan niya sa paulit ulit na pagbanggit ni Trixie
Ngumisi siya. Mukhang kilala niya at nagbabasa din siya ng wattpad "Be careful on what you wish for ate. There is no turning back" bumaba siya ng sasakyan ko at kumaway lang sakin
"Katakot!" hinarurot ko na ang sasakyan ko para makauwi agad
Pagdating ko palang sa bahay tumatawag na si Trixie
"Bakit? " pang bungad ko
"Wala man lang bang hello??"
"Hello bakit?"
"tsk! bitch" dinig kong tawa niya "May update na sa story. Magbasa ka! Nagkita na si Stellar at si Zeus. Ang nakatadhana sakanya na matagal na niyang hinahanap. Nagkita na sila!! Ayie!!"
"Yun lang ang itinawag mo? Bye!" binaba ko na ang linya. Dumeretso ako sa banyo at gusto ko maligo. Ang init kasi at isa pa mahaba ang araw na to para sakin
umm.umm umm
Sarap maligo. Parang may kaluskos sa kwarto ko. Pumasok kaya si papa o si mommy? Pero di nila ugali yun. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng cr ng kwarto ko.
"Shit!" napamura ako ng may maaninag na lalaki na nakaupo sa sofa bed ko
Kinuha ko ang patalim na bigay ni papa at buong lakas ng loob na humarap sakanya. "Sino ka?? ha? anong ginagawa mo dito sa kwarto ko!"
"Fvck!" yan ang una kong narinig sakanya "Sino ka din at bakit ako nandito?"
"Loko ka pala e! Ikaw ang tinatanong ko! Lumang style na yan" infairness gwapo siya
Mapula ang labi. Kung titigan ka parang ikaw lang. Maganda ang tindig parang wattpad character na dinidiscribe ni Trixie
"Sino ka?"
"Hindi ko din alam kung bakit ako nandito okay? Ang alam ko lang nagkita na kami ni Stellar."
"Sino??"
"Si Stellar ang babaeng nakatadhana para sakin"
"Pinaglololoko mo ba ako?" familiar ang pangalan na Stellar saan ko nga ba narinig yun "Sino ka sabi?" tinaas niya ang kamay niya dahil nailapit ko ang kutsilyo sa mukha niya
"Okay! Shit! Wag mo kong saktan. I am ZEKE PERSEUS CAELUM"
BINABASA MO ANG
My wattpad boyfriend!
FantasyPaano kung ma experience ko ang totoong pagmamahal sa di totoong tao? Maipaglalaban ko kaya ito o patuloy ko siyang mamahalin sa kulay kahel na libro ng Wattpad? Paano kung ang taong hinahanap niya sa Wattpad at ako ay iisa? Papasukin ko ba ang mund...