an: Add me up on fb! Nasa profile ko yung link. Give me ☆★☆***
-Matteo Lucas Vista-
Life in exchange of another life.
Blood in exchange of pain and illness
Risk in exchange of safety and precautions
Perse's life in exchange of Star's healing.
We will give it a try no matter how hard it can get.
No more turning back and we will keep moving forward
Perse's decision is final. I will do the same if I am in his place.
Saving her means living.
Letting her die is suicidal, it's like killing yourself too.I can promise to take care of Star, but I can't assure to make her HAPPY, because only Perse can.
Only Perseus can....
****
Nandito kami sa bahay nina Ence. Naghahanda kami para sa gagawin namin. Walang may alam kung ano ang magiging resulta pero kaakibat ng bawat galaw namin ay ang panalangin na magawa namin ito ng tama.
"Tengena tigilan mo yan Jave!" galit na suway ni Trixtan. Kanina pa kasi paulit ulit ang pagbato ni Javen ng bolang hawak niya sa may pader. Palakas ng palakas ang bawat bato. Kilala ko ang best friend ko ganito siya kapag nag iisip.
"Oh!" nakasimangot niyang binato niya ang bola kay Trixtan.
Napaatras si Trixtan sa pagsalo ng bola. Ang lakas kasi ng pagkakapasa ni Javen. Nakakunot pa din ang noo niya na umupo sa tabi ko.
"Akala ko ba may practice ka ngayon Crisostomo?" naupo din si Trixie sa kabilang side ko.
"Meron nga" sagot niya
"Eh bakit nandito ka?"
"Paano ako magpapraktis sa lagay natin? Baka mapag initan ko lang ang buong team" may point din naman siya. Dahil doble ang bigat sakanya. Gusto niyang tumulong pero walang paraan at sa nangyayari sa amin ngayon, alam kong kahit papaano ay naaalala din niya si Hannah.
"Missing her?" bulong ko sakanya.
Ngumisi lang siya sa akin "Pucha Matteo wag mo ko simulan" at tumigil na nga ako at baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
Busy si Ence sa pag aayos ng gamit. Hindi din naman namin alam kung ano ang mga yun kaya hindi na kami nag abalang tulungan siya. Naiwan si GD sa ospital kasama si Perse para bantayan si Star.
She is too weak. Nagsusuka din siya palagi kaya parang wala din siya nakakain.
It breaks my heart to see her like that but she still manage to smile everyday like there is hope, like she really wanted to live, like she is totally happy.
But it breaks my heart more when Trixie and I saw Perse in the parking lot, nakaupo siya at nakatingin sa kawalan, he is crying. It's too hard for him and yet he didn't even entertain the thought of giving up.
Kung may pagkakatiwalaan man akong mag alaga sa best friend ko, alam kong siya na yun. Pero paano kung mawawala din siya?
"Patulong naman o" senyas ni Ence kay Trixie at Trixtan. Bubuhatin na yata niya ang mga gamit para isakay sa sasakyan.
Konti lang naman yun kaya alam kong kaya na nila "Jave " tawag ko sakanya
Tinignan lang niya ko at hindi na nag abala pang sumagot "Paano si Star pag nawala si Perse?"
BINABASA MO ANG
My wattpad boyfriend!
FantasyPaano kung ma experience ko ang totoong pagmamahal sa di totoong tao? Maipaglalaban ko kaya ito o patuloy ko siyang mamahalin sa kulay kahel na libro ng Wattpad? Paano kung ang taong hinahanap niya sa Wattpad at ako ay iisa? Papasukin ko ba ang mund...