Dim's fate and choice!

1.6K 168 70
                                    

a/n: God bless you people! Thank you! Spread MWB!

-ZEKE PERSEUS CAELUM-

I've known her name but not her story.

I know she's meant for me but why is it complicated?

Should I love her because that's written in our fate?

Should I protect her because that's what I should do?

Why am I doing things to keep her?

Does my body knows I need her? Does my soul feels the connection? Does my heart found its other half?

She is too fragile to break yet too strong to hold.

There is this thing that I am sure of doing, I want to know her better.

Not because I SHOULD  but because I WANT to.

We met because of FATE, the next step is my CHOICE.

Because loving is not just fate, it's also a choice.

"Shit talo! Sasayaw kayo ng running man sa sementeryo!" tumatawang bungad ni Trixie sakin pagpasok ng famroom.

Binaba ko ang napakadaming pulang rosas sa maliit na mesa. Ewan ko ba kung anong meron. Pagpasok ko palang binibigyan na ako ng rosas ng mga babae. Nakita ko din naman yung ibang lalaki na binibigyan din kaya kinuha ko nalang.

"Okay lang. wala naman palang makakakita, sementeryo naman." nag apir pa si Mattie kay Trixtan bago ibaba yung mga rosas na hawak niya sa may upuan.

"Wala namang NESCAFE dun" Trixtan

Sinamaan siya ng tingin ni Ence"Wala kang tatanungin ng PARA KANINO KA BUMABANGON"

"Tanga sa November 1 kayo sasayaw dun" banat ni Ence kaya nagtinginan ang dalawa.

"Bibig mo naman kung maka tanga Bitch!" pang asar ni Trixie

Nahalata siguro nila na wala akong clue sa nangyayari kaya lumapit si Trixtan at umakbay sakin. "Yabang mo Perse ang dami mong rosas, sino idadate mo? Kanino mo ibibigay ang BDO"

"Ha?" trip nito

"ABOT ANG PANGARAP PAG BDO ANG KAUSAP " kanta niya at nag flyng kiss pa siya "Ibigay mo ang pinapangarap nilang date"

Umupo ako sa tabi ni Polaris bago magtanong "pinagsasabi mo?"

"Kapag nangyari yun babantayan natin ang story niyo. Like Citibank"Mattie

"CITI NEVER SLEEPS! 24/7 kaming magbabantay" tawa nilang sagot.

"After that BPI" singit ni Trixtan "WE'LL MOVE YOU FARTHER. " binato ni Trixie ng unan ang kakambal niya.

"Basta pag nagdate ka dapat METROBANK" babanat din si Ence "YOU ARE IN GOOD HANDS!"

"Talino mo dun!" palakpak ni Trixie  bago tumingin sakin"Hindi ka ba nainform?"

"Halata ba?" napakunot ako ng kilay.

"Dre! Activity yan dito sa school every year! Mamimili ka sa mga nagbigay sa'yo kung sino idadate mo. Dapat CREAMSILK"

"CONFIDENTLY BEAUTIFUL WITH A HEART.Mamili ka dito sa 143 na babae" kaya pala binibilang ni Ence yung mga rosas na binitawan ko sa mesa.

"Panira ka naman " asar na sabi ni Trixtan

"Where's yours?" bulong ko kay Polaris "give it to me kaw pipiliin ko."

"Hindi ako kasama sa kalokohang yan." sagot niya sakin.

"Oh basta! Talo kayo sa pustahan. Mas madami ang kay Zeus kaya sasayaw kayo ng running man sa nov. 1" pumapalakpak pa si Trixie sa harap ng dalawa. Ginawa na naman nilang laro.

My wattpad boyfriend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon