-Matteo Lucas Vista-
Don't give up the friendship because you have fallen for her.
The best relationship always starts with being friends
Don't take advantage of love just because you have it
The best partnership is always to give and return.
I have this 'friendship' that I would like to extend into a 'relationship'
I don't have plans of giving up the friendship bond, I just have to add some romantic flings on it.
Once I get that, I am more than fucking serious.
That I am going to hold on that.
Lifetime.Bigtime.Forever.
*****
Pucha! Kinakabahan ako. Papunta ko sa gym ngayon. Nandoon daw kasi si Javen at Trixtan. I will ask for his permission kahit na ayaw ko. To make things clear. I will admit that I like her twin sister.
Knowing Trixtan he is taking everything seriously when it comes to Trixie. How can he not? Kakambal niya yun.
Kakabalik lang namin mula Palawan kasami si Perse. Kakatapos lang ng matinding pakikibaka namin. Tapos ito na hinaharap ko?? Hindi ko na nga malapitan si Star dahil sa Dim-agibang bakod e. Masisisi ko ba sila kung ang tagal nilang nagkawalay.
"Will you fucking go back to your senses!" hinabol ni Javen ang bolang tatama sana sakin. Nagpapractice kasi ang mga varsity players.
Malay ko bang bola ang bubulaga sa akin pagpasok ko ng gym na to. Nag meet ang tingin namin ni Trixtan na patawa tawa dahilsa itsura ko.
Nagulat kasi ako. "Let's end it here" sigaw ni Javen sa mga kasama niya. "5 am tomorrow--"
"Pero captain ang aga naman!" pagrereklamo ng isa.
"Okay then. 4 am tomorrow." sagot ni Javen. Wala talagang konsensya to pagdating sa basketball.
"Ayan!" nabatukan tuloy yung nagreklamo "Wag ka na kasing kumontra."
Dahan dahan sila nagpunta sa locker para magpalit. "Sungit mo!" bulong ko sakanya.
"Paki mo" mataray na sagot niya sakin. Kung hindi ko lang kaibigan to sinapak ko na siya kanina pa.
"Anong ginagawa mo dito?" patawa tawa pa din si Trixtan hanggang sa makalapit ako sa kinatatayuan nila. Damn! Why am I nervous?
Tinitignan ako ni Javen. Nakakunot na naman ang kilay niya na halatang naaasar sa kinikilos ko. "Will you spill it" binato niya ako ng bolang sinalo niya kanina.
Linagtas pa niya ko kung ibabato niya din naman sakin. "Trix!" simula ko.
Tinuro ni Trix ang sarili niya"Ako ang kailangan mo?"
"Oo. Kasi-" kumamot ako sa batok ko. Pucha bakit hindi ko masabi.
"Bahala ka nga dyan Matteo" tinalikuran niya ako ng mainip siya sa kahihintay sa sasabihin ko "Tawagin mo nalang ako pag sasabihin mo na yang sasabihin mo"
"Eto na nga!" hinabol ko siya
"Gago! Wag mong sabihing bakla ka" inambangan niya ako ng suntok. Nakita kong nangiti si Javen sa sulok bago umupo sa may bench.
"Hindi ah! Gusto ko nga yung kakambal mo e"
"Anong sabi mo?" naningkit ang mga mata niya. Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya "Pakiulit nga" inilapit niya ang tenga niya sa mukha ko para marinig ng maayos.
BINABASA MO ANG
My wattpad boyfriend!
FantasíaPaano kung ma experience ko ang totoong pagmamahal sa di totoong tao? Maipaglalaban ko kaya ito o patuloy ko siyang mamahalin sa kulay kahel na libro ng Wattpad? Paano kung ang taong hinahanap niya sa Wattpad at ako ay iisa? Papasukin ko ba ang mund...