Love Conquers All

1K 90 49
                                    

-Zeke Perseus Caelum-

I don't have intentions of hurting someone physically, emotionally or even mentally.

How can I entertain a thought that even I can't understand.

How can I listen to her words if even I can't know if it is true or not.

How can I ask if I am not sure if the answers are correct

But how can I walk away if I can also feel her pain?

My mind keeps on denying it but my heart says otherwise.

There is something in her that I want to know, something that I want to believe.

Will I give her a chance when I am satisfied with what I have.

***

"Pambihira ka naman sir" tapik ng bahagya ni Manong Chris sa akin "Kanina pa ako nagkekwento dito, hindi mo ko pinapakinggan" nahalata pala niya na parang lumilipad ang isip ko.

Dalawang araw simula ng dumating sila dito sa resort na ito, hindi nagkaroon ng katahimikan ang buhay ko. Laging nakabuntot sa akin yung babaeng nagsabing kakilala daw niya ako. She is Polaris if I am not mistaken.

Her name means star, the same as my name and Stellar's.

"Nag away ba kayo ni ma'am? Kaya nagkakaganyan ka sir?" I shook my head

"Manong, yung babaeng kasama nila" turo ko sakanila sa di kalayuan. Nasa malayong parte nakami ng resort, nagkataon naman na napadpad sila dito dahil sa paglalakad. "Bakit sinasabi niyang kakilala niya ako"

"Ah. yung yumakap sa iyo nung nakaraang araw? Yung maganda?"

Tumango ako. Tinignan ko sila at halatang busy sila sa pagpicture dahil hindi kami napansin ni manong Chris. Mukhang close silang lahat.

Everyone is talking to me this past few days like they know me so well. Pinagtitripan ba nila ako? Ang galing nila kung ganoon dahil ang seryoso nilang tignan.

Tinapik ako ni manong Chris sa balikat. "Ayon sa sinabi ng kaibigan niya sa akin, namatay daw ang boyfriend niya ilang buwan palang ang nakakaraan." napatingin ako sakanya.

She is smiling brightly. Different when I first saw her. Her eyes then are full of sadness and sorrows but now? they are bright like her name.

"Balita ko kamukhang kamukha mo siya kaya intindihin mo nalang kung sa iyo naibunton ang pangungulila niya. Mukha naman siyang mabait na bata" dagdag pa ni manong.

I don't know if what she is saying is true. The dreamcatcher, the mark, destiny and the name Kismet. She is mentioning everything one by one. Little by little, as if she knows how to play and to handle me. Hindi ko maiwasang isipin ang mga sinasabi niya

I tried to tell Stellar pero natawa lang siya and she told me to stay away from her.

"Una na ako sir. Mukhang gusto mo mapag isa" nakangising sabi ni manong.

"Sige po" tugon ko naman. Naglakad siya pabalik sa resort ng patawa tawa. Naupo muna ako at baka tama nga siya kailngan ko nga sigurong mapag isa.

Madalas ang pagsakit ng ulo ko ngayon. Gusto ko ding malaman ang totoo pero papaano? Nahahawa na yata ako sa pagka weird niya. The last time sumisigaw siya dahil sa sakit ng likod niya and I can't stand to see her cry. Hindi ko maintindihan kung bakit. Buti nalang at dumating ang kaibigan niya at binuhat siya pabalik ng kwarto nila.

The guy glared at me and said something like "pagsisisihan ko daw ang ginagawa ko kapag naalala ko na ang lahat".

Polaris stop him. I heard her call him Javen, I think that is his name.

My wattpad boyfriend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon