-Trixtan Villahermosa-
If loving is sacrificing and sacrificing is loving
then,
Perse knows how to love and Star has been loved
If loving is embracing death, then Perse did it well
If living is equivalent to death, then Star has her own story to tell.
Loving Star took his life. Living for Perse is facing death
Star took his life. Perse let him face death
How can we distinguish death and life then?
If…
He died yet his memories live
and…
She is alive yet emotionally dying.
***
Nakaluhod si Matteo sa walang imik na si Star. Nakaupo siya sa veranda ng kwarto niya. Tanaw ang hardin nila na punung puno ng mga magagandang bulaklak. Kabaligtaran ng kapaligaran na pinili niyang tahakin sa pagkawala ni Perse.
I am with Trixie, Ence, Gd and Mattie. We are here to comfort her.
We explained everything to her, to the point that she fainted and cried for days. Nagalit siya sa amin dahil pakiramdam niya ay trinaydor namin siya. Yung bang wala siyang alam pagkagising. Yung tipong wala na ang taong dahilan ng paglaban niya sa sakit.
Himala na gumaling siya ng walang anumang bahid ng karamdaman. Nagtaka din ang mga doctor at mga magulang niya. Kung pwede lang sabihin na ang taong mahal niya ang naging dahilan ng pagkawala ng sakit niya. Ang taong nagsakripisyo ng buhay niya.
"Best friend!" pinapahid ni Mattie ang mga luhang walang humpay sa pagtulo. Isinama na nga ng tuluyan ni Perse ang Star na kilala namin.
"Umalis na kayo" tinabig ni Star ang kamay ni Mattie "Si Dim ang kailangan ko" tumayo siya at pumasok sa loob ng kwarto
"Star" malumanay na tawag ni Ence . Lumuhod siya sa harap ng nakaupong si Star at hinawakan ang kamay nito "Patawarin mo kami pero maniwala ka, ginawa namin ang lahat"
"Bakit Ence??" tinitigan niya si Ence na punung puno ng luha ang mga mata"Bakit ka pumayag?" humagulgol siya sa unang pagkakataon sa harap namin pagkatapos mawala ni Perse
Napayakap nalang si Ence sakanya pero bumitaw si Star "Iwan niyo muna ako please"
"Kumain ka muna Star. Ilang araw ka ng hindi kumakain ng maayos." umupo si kambal sa tabi niya
"Don't act as if you care!" tinuro niya kaming lahat "Dahil kung gusto niyo talaga maging maayos ang buhay ko! hindi niyo sana ginawa ang mga bagay na walang kwenta! Edi sana nandito si Dim at kasama ko siya" tumayo si Star at humarap sa aming lahat. She started to shout.
Kumakawala ang galit niya na ilang araw na niya kinikimkim. Ipinapahayag niya ang sama ng loob niya sa amin sa unang pagkakataon.
"Kung walang kwenta ang tawag mo sa pagpili na sagipin ang buhay mo! bahala ka!"
"Xie!" inawat ko ang kakambal ko. She is frustrated! Ilang araw na naming sinusuyo at pinaiintindi kay Star ang mga nagawa namin pero wala pa din.
"Bakit Trixie? Naiintindihan mo ba ko?" sigaw niya pabalik.
"Hindi lang ikaw ang nawalan!" sagot ni Xie. Ence started crying habang inaawat din si Xie.
"Ikaw Matteo! Sabi mo magpagaling ako! Ginawa ko naman e!?" niyakap ni Mattie si Star "Ginawa ko naman! dapat binigyan niyo pa ako ng konting panahon! Gagaling din ako e! Konting panahon lang Matt! " napaupo siya sa sobrang iyak "Bakit ka nagdesisyon ng ganon??"
BINABASA MO ANG
My wattpad boyfriend!
FantasyPaano kung ma experience ko ang totoong pagmamahal sa di totoong tao? Maipaglalaban ko kaya ito o patuloy ko siyang mamahalin sa kulay kahel na libro ng Wattpad? Paano kung ang taong hinahanap niya sa Wattpad at ako ay iisa? Papasukin ko ba ang mund...