Perseus!

1.7K 169 58
                                    


-Quencess Walter-

Proof. Validation.
Evidence.Confirmation

How much proof do we need to have a validation?

How many evidences do we need  to have confirmation?

Your doubts will be CONFIRMED  if you have EVIDENCES.

Your agony will be VALIDATED when you have a PROOF.

What if it's confirmed? What if it's validated? Will you still search for evidences or will you stop gaining proofs?

CONFIRMATION. VALIDATION

Nahiga ako sa may damuhan ng maramdaman ang sakit ng paa ko sa pagtakbo "Suko na ko" banggit ko pa. Tumingin ako sa nakakasilaw na langit dahil sa sobrang init.

"Wag kang sumuko. Ipaglaban mo hanggat kaya pa parang relasyon lang din" banat ng kakahiga lang na si Trixtan sa tabi ko.

Nasa P.E class kami at ito lang ang subject na magclassmates kaming lima. "Ang sakit na e" hawak ko sa paa ko na kumikirot dahil sa pagod.

Pinatakbo kasi kami ng 20 rounds sa oval. Hindi biro yun since napakalaki nito. "Kung hindi ka nasaktan edi hindi ka nagmahal " nakangiting sabi ni Matteo na nakatayo sa harapan ko para takpan ang araw.

Hindi ko nalang pinansan"Akin nalang yan Trixtan!" hablot ko sa tubig na iinumin na niya dapat.

"Sige sanay naman akong mawalan e " humawak pa siya puso niya. Anong meron sa dalawang to. Tanghaling tapat ganito sila.

Umupo si Star sa kabilang side ko. Ang tahimik niya ngayong araw. Nalilito siguro siya kung ano bang dapat niyang gawin. Sinusundo at hinahatid siya ni GD everyday. May rosas din siya. Ginagawa niya lahat para bumalik sila sa dati. Hindi naman sa hindi siya masaya pero nagtatanong siya lagi kung pwede pa ba? kung tama pa ba?

"Hintayin niyo ko dito C.R lang ako " ika ni Trixie

"Sige sanay naman akong maghintay  e " sabay na banat ni Mattie at Trixtan.

"Tanga! tumigil nga kayo!" sigaw ko sa dalawa. Kanina pa kasi bumabanat.

"Hindi lang pala sa pag ibig pwedeng maging tanga." napatingin kami sa nakatulalang si Star.

"Yan kasi!" umupo ako at hinampas si Trixtan at Mattie.Nagsisihan pa sila at nagharutan

"Loosen up birthday girl!" yumakap ang kababalik lang na si Trixie kay Star.

Birthday na niya kasi next week.

"Saan tayo?" umupo si Mattie sa harap ni Star. Umiling lang to.

"Bahay? Matutulog?"walang gana niyang sagot.

"Come on Best! Last year nga walang umuwi ng hindi lasing sa atin. You would not know if it will be your last so make the most out of it."kumbinsi niya kay Star

"Tama!" sang ayon ko.

"Hindi lang naman siya ang may TAMA" bulong ni Trixtan sakin "Ako din yata may TAMA sa'yo!" hinampas ko nga ng dala kong towel.

"Ano yan?"hawak ni Mattie ang dalawang Katana na inabot ng classmate namin.

"Katana?"Patanong niyang sagot.

"Alam ko! Bakit inabot sa'yo yan!" takang tanong ni Trixie

"Pahawak lang daw. May additional 5 rounds pa sila"

"Pahiram nga." Kinuha ko ang isa sa hawak ni Mattie. Ang talim lang parang kaka hasa lang.Mas maganda to kung pink. Pwede pala to sa school namin? Siguro nag offer sila ng training para dito.

My wattpad boyfriend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon