D.E.A.T.H

1.7K 144 48
                                    

-Tara Polaris Stanislava-

It is something that no one is prepared of, something that no one wants to have, something that no one wants to experience.

D.E.A.T.H

What if it's coming my way? Should I be thankful that I was informed before hand?

Atleast! I have time to make the most out of it. Atleast I met him. Atleast I was loved by him.

Can I give something in exchange of my life? Can I extend it? What am I going to do? I am lost. Will someone help me please.

I wanted to have more time with him.

***

"Saan namin makikita si Kismet?" hinawakan ko ng mahigpit si Aphrodite "Sino siya?"

"She is the goddess of fate, love, destiny and serendipity" hinawakan niya ang nanginginig na kamay ko

"Gusto ko siya makita."

"Makikita mo din siya ate. Nagkita na din kayo sa pangatlo mong buhay" sambit niya sakin "Dahil sakanya kaya ka buhay sa makabagong panahon na to, umaasa siya na mabubuhay ka sa ikalimang pagkakataong to gamit ang mga bagong teknolohiya na wala pa noong panahon na mamatay ka ng tatlong beses bilang Stellar"

"Ibig mo bang sabihin si Dim at ako ay nagkasama na ng tatlong beses sa nakaraang buhay namin? Pero namatay din ako at naiwan ko siya?" hinigpitan ko lalo ang hawak sakanya, maniniwala ba ako sakanya? bakit pa kami pinagtagpo kung iiwan ko din naman siya.

"Oo ate. Yan din yung nakalagay sa diary na to." narinig ko ang pagbuntong hininga niya "sa pang apat na pagkabuhay niyo naman ay gumawa na ng paraan si Kismet, pinatay niya ang sanggol na si Stellar at dinala sa mundong to biling Tara Polaris Stanislava, eto ang ikalima mong pagkabuhay" dahan dahang ang pagbigkas niya sa pangalan ko. Unti unti niyang pinapaliwanag ang mga bagay na hindi ko lubos maintindihan. "Ginamit niya ang wattpad para makatawid si kuya mula sa panahon niya papunta dito sa panahon mo"

Natulala ako sa mga pahayag niya. Gumawa siya ng paraan para magkita kami ulit ni Dim sa pamamagitan ng wattpad. Ang ika apat na pagkabuhay ni Dim at ang ikalima ko ay muling nagkita dahil sakanya.Magagawan din kaya niya ng paraan para mabuhay ako?

"You will die!" napatingin ako sakanya.

Bigla akong hinila ni Dim palayo kay Aphrodite. Hindi ko alam kung nasa paniginip ako. Hindi pa din nagsisink in sakin lahat ng narinig ko. Mabigat ang bawat hakbang palayo sa batang babaeng nagbigay ng babala tungkol sa kamatayan ko.

"Kuya! If the doctors won't save her then she'll die like what happened before" huminto si Dim sa paglalakad at tinakpan ang mga tenga ko.

"Stop it please" malumanay ang pagkakasabi niya na nagpahinto sa nagsasalita pa na si Aphrodite. "Please" bawat bigkas niya ng salitang yun ay tumatagos sa akin.

Nakikiusap si Dim sakanya. Pakiusap na bawiin man lang ang salitang binitiwan niya. "Please stop" ang masaya niyang mga mata ay napalitan ng lungkot. Ang galit na tono ng boses ay napalitan ng pagsusumamo.

"I'll see you again" walang lakas na tumalikod si Aphrodite sa amin.

"Dim " hawak ko ang kamay niya na nakatakip pa din sa tenga ko. Ginawa siguro niya ito para hindi ko na marinig pa ang sasabihin pa niya. Tinitigan ko siya na punong puno ng tanong  "Am I going to die??"

"No!" niyakap niya ako ng mahigpit.

"Paano kung totoo na namatay ako sa nakaraang buhay ko at iniwan kita? Paano kung hindi pa din ako mabuhay sa ikalimang pagkakataon?" humigpit ang pagkakayakap niya sakin

My wattpad boyfriend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon