an:Sa lahat ng nag pm at nag comment na naiyak sa previous chapters, tandaan niyo Love ko kayo! haha
Votes are highly appreciated! Spread MWB!Thank you!
-Tara Polaris Stanislava-
Lahat naman ng lalaki sasaktan ka. Sa sinasadya o hindi sinasadyang paraan, darating ang araw na iiyak ka dahil sakanila.
Umiyak ka man dahil iniwan ka, o linoko ka, o kaya naman ay dahil sumuko siya sa pagmamahalan niyo, pareho pa din naman ang ending nun, umiyak ka!
Isa lang ang pwede mong gawin bilang isang babae, HUMANAP KA NG KARAPAT DAPAT SA LUHA MO ng sa ganon umiyak ka man ng kabalde, masasabi mo pa din masarap magmahal at masarap mahalin.
Matapos man ang luha mo, hinding hinding ka magsisisi na siya ang INIYAKAN MO dahil sa kabilang banda naging masaya ka.
Tulad ko, paiyakin man ako ng lalaking nakayakap sakin ngayon, ilang beses man siyang mawala at bumalik , alam ko sa sarili ko na karapat dapat siya sa bawat patak ng luha ko.
"Happy birthday Mrs. Caelum" hindi ako makakilos sa ginawa niyang pagyakap sakin. Hindi ko alam kung nananaginip ako o totoong bumalik na nga siya.
"I still have 5 minutes" hinigpitan niya ang yakap niya sakin "I miss you. Para akong mababaliw " sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Bakit ngayon ka lang?" hindi ko napigilan ang pag hikbi, gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa biglaan niyang pag alis.
"Sorry!" umalis siya pagkakayakap sakin. Hinarap ko siya. Pero inunahan niya ko magsalita "Bakit maiksi ang suot mo? Diba sabi ko bawal ka magsuot niyan pag wala ako" nakakunot na ang kilay niya.
"Tinatanong ko kung bakit ngayon ka lang!" sigaw ko sa gitna ng bawat hikbi.
"Tsk! Will you stop crying."pinunasan niya ang mga luha ko "Don't make me feel guilty."
"Sinusubukan ko naman pahintuin, pero ayaw e"ika ko
Niyakap niya ulit ako "Sorry cry baby." naramdaman ko ang sinseredad niya pero napansin ko din na parang maputla siya.
Hinawakan niya ang ulo ko habang yakap ako. Alam kong sa puntong to ayaw na niya kumawala pa sakin. "Payakap lang muna" tumango ako.
"Have you been well?" tanong niya
"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan" halata kasi na hinang hina pa siya.
"This curse is really something." sabi niya "Totoo nga na manghihina ako pag wala ka sa tabi ko."
Umalis ako sa pagkakayakap at tinignan siya na parang sinusuri "I'm good!" banggit niya "Better,now that you are here"
"Sure ka?" medyo nagiging okay na ang kulay niya kumpara kanina.
"Umm." sagot niya ng nakangiti. "Finally nagstop na" puna niya ng huminto na ang pag iyak ko. "Sinong gago na nagpaiyak sayo bebe ko?" nagbababy talk siya kaya natawa ako
"Edi ikaw yung gago" bulong ko
"Ano Gwapo?"tinaas taas niya ang kilay niya habang nagpapacute.
"Saan ka nagpunta? Sinong kasama mo?"
"Tsk! Hindi ako nambabae dun" pagputol niya sa sunud sunod kong tanong. "Eh ikaw? ngumiti ka sa harap ni GD?" biglang nanliit ang mga mata niya.
"Medyo" sumenyas pa ako na sa kamay na parang konti lang.
".Last mo na yun" sagot niya. Yumakap ulit siya sakin pero hindi mahigpit parang may nilalagay siya. "It's never too late" napansin ko na may suot na akong necklace ng humarap siya sakin.
BINABASA MO ANG
My wattpad boyfriend!
FantasyPaano kung ma experience ko ang totoong pagmamahal sa di totoong tao? Maipaglalaban ko kaya ito o patuloy ko siyang mamahalin sa kulay kahel na libro ng Wattpad? Paano kung ang taong hinahanap niya sa Wattpad at ako ay iisa? Papasukin ko ba ang mund...