1.Thumb trick

1.6K 30 1
                                    

Minah's POV

"CUT!"

Sigaw nung director, kasabay ng pag hinto ko sa lakad.

Kararating ko lang. I came here to surprise Red, pero mukhang ako pa ata 'yung na-surprise sa nakita ko, before the Cut.

Tangina! I saw him and Brianna kissing. Brianna is his love team.
Kailangan ba talaga sa movie 'yang kissing scene?

Napatikin sa'kin si Red, nakita kong gulat siya.

"Demi." He said.

Tumalikod ako at naglakad. I don't want to talk to him. Bwiset siya.

"Hey!" Hawak niya na 'yung wrist ko ngayon.

"What?!" I asked irritatedly.

"What brings you here?" He asked.

Tinaas ko 'yung plastic bag na hawak ko.

"Bringing you a dinner. Oh." Inabot ko sa kanya 'yon at tumalikod ulit pero pinigilan niya 'ko.

"Hey!  Are you mad?" He asked worriedly.

Eh tanga pala 'to. Sino ba namang hindi magagalit makita mo 'yung boyfriend mong may kahalikan sa LIPS. Eh ako nga hindi ko pa 'yan nahahalikan sa labi eh. Inunahan pa 'ko ng bruhang 'yon.

"Tanga ka ba? I saw you and Brianna kissing. Ta's tatanungin mo 'ko if I'm mad? Seriously?."

"That's just a work." I rolled my eyes.

"Work mo mukha mo!" Pa-artista artista pa kasi. Ang dami tuloy nakaka-chansing sa boyfriend ko.

'Yung mukha niya parang nag pipigil ng tawa. Pucha talaga 'tong mokong na'to.

"What's funny?" I asked irritatedly.

"You." He said while he's giggling.

"Ako? Ewan ko sa'yo. Naunahan pa 'ko ng babaeng 'yan sa lips mo."

Nagulat ako ng hinawakan niya 'yung mukha ko. Hinarang niya 'yung, thumb niya sa labi ko then he put his lips into his thumb na nasa labi ko. Thumb trick.

We're almost kissing pero nakaharang 'yung thumb niya kaya hindi nag kadikit 'yung lips namin, pero ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

Umayos na siya ng tayo.
He was smiling.

"That's how me and Brianna kiss."
He explained.

So gano'n lang pala 'yung ginawa nila? Pero..Ugh! Ewan.

"Fine." I said.

"Tara, sabay na tayong kumain."

I smiled at sumunod na sa kanya.

"Oh hi Minah." Salubong sa'kin ni Brianna at bumeso.

She's an american na kinuha sa film na 'to.

I just smile at her.

"Oh Red nasabi mo na ba sa girlfriend 'yung about sa kissing scene?"

Direct Noel asked.

Inakbayan ako ni Red.

"Yes. The thumb trick." He said.

"Oh sige lunch break muna. After 30 minutes start na ulit tayo."
Direct said.

"Tara do'n 'yung tent namin. By the way kasama ko si Brianna sa tent."

"What?"

"Tss. Okay lang 'yan. She's a good girl. In fact gusto ka nga daw niyang maging friend eh, so let's go."

Playful Kiss (PSbook2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon