Minah's POVFinally nakabalik na'ko. Papunta na'ko ngayon sa condo namin. I heard nando'n daw siya.
Kinuha ko 'yunh susi sa bag ko since meron din akong susi.
I exhaled before I opened it.
"Minah?"
Natulala ako sa nakita ko.
Nakita ko si Danica nakaupo sa couch habang hinihimas ni Red 'yung tiyan niya. Is Danica pregnant?
What's the meaning of this?
Tumalikod na'ko. Mabuti pang hindi na'ko pumunta dito. Akala ko okay na, pero umiiyak nanaman ako ngayon.
Naglalakad na'ko sa hallway ng condo.
"Minah." Hinawakan niya 'yung wrist ko ng maabutan ako.
Padabog kong kinalas 'yung pagkakahawak niya sa wrist ko.
Tumalikod ulit ako."Minah." Bigla niya kong niyakap mula sa likod, tuluyan na'kong nanghina. Na-miss ko 'yung mga yakap niya.
"Sabi mo maghihintay ka?" I said habang umiiyak pa rin.
"I did." He whispered.
Kumuha ako ng lakas ng loob para alisin 'yung pagkakayakap niya and I did.
"Red!" Napatingin ako mula sa tumawag sa kanya mula sa likod. Nakita ko si Danica.
Hinarap ko ulit si Red at umiling iling.
"Buntis si Danica?" I asked kahit alam ko na 'yung sagot.
Tumango tango lang siya. Kitang kita ko sa mata niya 'yung pangamba, pati na rin 'yung pangingilid ng mga luha niya.
"I-ikaw y-yung ama?" Pinilit kong mag salita kahit nauutal na'ko.
Tumango siya kasabay ng pag upo ko sa sahig at pag hagulgol.
Nakadapo 'yung dalawang palad ko sa mukha ko."Minah. Listen to me." Ramdam kong umupo siya dahil pilit niya inaalis 'yung kamay ko sa mukha ko, pero mas lalo kong dinidiinan.
"I trust you. Nagtiwala ako sa'yo. Akala ko may babalikan pa 'ko." I said habang umiiyak pa rin.
"Naghintay ako. Mahal pa rin kita."
Hindi ko siya pinakinggan."Ang sakit sakit." Iyak lang ako ng iyak.
"Minah. Sorry. I'm really sorry." Hindi na'ko makapag salita, basta gusto ko lang umiyak.
"Red." Narinig ko 'yung boses ni Danica. Papalapit siya sa'min.
"Red. Let's go." Narinig kong sabi niya.
Inalis ko 'yung palad ko sa mukha ko para makita si Danica. Gustong gusto ko siyang sampalin, gustong gusto ko siyang sabunutan, bugbugin, pero hindi ko magawa. Wala akong lakas. Nanghihina ako.
"Let's go Red. Hayaan mo na siya." Danica said habang pilit na tinatayo si Red hawak niya 'yung wrist ni Red.
"Ano ba?!" Nagulat ako sa ginawa ni Red. Tinulak niya si Danica. 'Yung wrist na pilit hinahatak ni Danica 'yung pinantulak niya.
Napaupo si Danica sa sahig.
Napatayo ako after what I saw."Red." Parang nahihirapan si Danica.
From her leg nakita kong may tumulong dugo.
"Red si Danica." I said.
Napasabunot si Red sa buhok niya.
"Tss! Mag uusap pa tayo okay? Kailangan nating mag usap." He said bago niya binuhat si Danica.
"Mag uusap pa tayo." He said bago tuluyan akong lagpasan.
Napaluha nalang ulit ako. Bakit ba nangyayari 'to?
~*~
"Kamusta daw siya?" I asked after makausap ni Red 'yung doctor.
I decided na sumama na sa kanila. Kahit papaano may pinag samahan rin naman kami ni Danica, so I got worried, pero syempre galit pa rin ako sa kanila. Sadyang tanga at mabait lang talaga 'ko, pero sa totoo lang gustong gusto ko ng bugbugin si Danica.
Hindi sinagot ni Red 'yung tanong sa halip ay niyakap niya 'ko.
Niyakap niya ko ng sobrang higpit."Thank you. I'm sorry." He said habang yakap ako.
Hindi ako makasagot, hindi ko alam 'yung sasabihin ko. Nasasaktan pa rin ako.
"Thank you kasi kahit sobrang laki ng kasalanan namin sa'yo nagawa mo pang maging concern at samahan kami dito. Sorry kasi nangyari 'to. Sorry kasi nasaktan kita, sorry sa lahat ng ginawa ko. I will never get tired saying sorry to you, please just forgive me."
Umiiyak siya. Madalang ko lang siyang makitang umiyak. Ngayon kahit hindi ko siya nakikita dahil nakayakap siya sa'kin ramdam ko na umiiyak siya.
"Lolokohin ko 'yung sarili ko pag sinabi kong pagod na 'ko at tapusin na natin 'to. Gusto kong marinig lahat ng buong nangyari. I will listen, but I can't promise that I can understand."
BINABASA MO ANG
Playful Kiss (PSbook2)
Teen FictionPlayful Smile book 2. Love is a choice..... ~~ Book cover was made by mintexprezz in their Milky Graphics Shop. Thank you!