10.Cool off

429 33 2
                                    


"Minah? What's wrong?" He asked curiously habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal ko.

"Can you explain this?" I said at hinarap sa punyetang mukha niya 'yung cellphone ko habang nag pe-play 'yung video nila ni Danica.

Nag kunot noo siya.

"S-san mo nakuha--"

"What the fuck!" I said at tinalikuran siya.

"Minah." Pinigilan niya 'ko at niyakap.

"Minah listen. That is not true." Tinulak ko siya after he said that.

"This? This is not true?" I said habang tinuturo 'yung cellphone ko.

"'Wag mo 'kong gawing tanga! Kitang kita oh, 'yung mukha mo na nakikipag laplapan kay Danica."

I said angrily.

"No! Hindi ko alam kung pa--"

Hindi ko na siya pinatapos.

Naiiyak na'ko. Bwiset!

"SHUT UP! Alam mo ba kung ga'no kasakit makita 'yung taong mahal mo na nakikipag halikan sa iba? Worst is kinama mo pa? Tangina!"

"I told you. Wala 'kong alam--"

"You're impossible!" I said at tinalikuran na siya.

"Sa'n ka pupunta?" Huminto ako when he asked that.

"Aalis na and don't expect me to comeback."

Naglakad na 'ko pero naramdaman ko nalang na yakap niya 'ko mula sa likod.

"Iiwan mo 'ko?" I heard him asked at ramdam ko sa boses niya na naiiyak na siya.

Napapikit ako at huminga ng malalim.

"This video is enough reason to leave you."

Kumalas siya sa pagkakayakap, kinuha niya 'yung cellphone sa kamay ko at binato ito.

"What the hell?!" I exclaimed.

"Sino ba 'yang punyetang nag send sa'yo ng video? Is it Danica?"

"Eh ano naman kung si Danica? Is that a big deal?"

I asked kahit hindi ko naman talaga alam kung sino.

"That girl! She's so disgusting! Hindi mo man lang ba naisip na baka gusto niya lang tayong sirain?!"

"'Wag mo siyang idamay sa kalokohan mo! Kung masira man tayo ikaw 'yung may kasalanan no'n."

I said irritatedly.

"Fuck that mind Minah! Sinabi ko na nga sa'yo na hindi ko 'yan alam! Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam!"

Naluluha na'ko, but because I became better, kailangan kong pigilan 'to.

"Hindi mo alam? Fuck that shit Red! Hindi mo alam? Ano 'yon? Natutulog ka sa room mo ta's bigla ka nalang napunta kay Danica. Ta's tulog ka nung ginagawa niyo 'yung kadugyotan na'yon?! What the hell!"

Napasabunot siya sa buhok niya. Huminga siya ng malalim bago mag salita.

"Can you please calm down?" This time kalmado na siya.

"Calm down? After what I saw you expect me to calm down?!"

Naiinis na'ko at kita ko ring naiinis na siya, pero nag pipigil siya.

"Tama na! Hindi ko na alam! Okay? Hindi ko na alam!"

Hindi ko ma-explain 'yung emosyong ipinapakita niya.

Napakunot nalang 'yung noo ko.

"Ano ba 'ko sa'yo?" Kalmado kong tanong, kahit gustong gusto ko ng umiyak.

He looked at me.

"Girlfriend kita. Mahal kita."

"Mahal? Is that how you love someone? Makikipag landian ka sa iba? Girlfriend? Alam mo naman palang girlfriend mo'ko, pero ba't ginawa mo pa rin 'to?"

Kalmado pero medyo inis na sabi ko.

Napahilamos siya sa mukha niya.

"I told you. Hindi ko--"

"Tangina! Hindi mo alam?! 'Yan nalang ba lagi 'yung sasabihin mo?" Inis kong sabi.

"Sige na. Tama na."
Napakunot 'yung noo ko sa sinabi niya.

"What?"

"Tama na. Itigil muna natin 'to."

Mas lalong napakunot 'yung noo ko. Habang siya walang emosyon at nakatingin lang sa sahig.

"Beg your pardon?"

"Sabi ko tama na. Tama na muna okay? Tutal ayaw mo naman akong paniwalaan. Aalis ka? Sige umalis ka. Saka kana bumalik dito pag kalmado ka na."

Parang nabingi ako sa sinabi niya.

" 'Yun na 'yon? Gano'n nalang 'yon."

"Eh anong gusto mong gawin ko? Ayaw mo naman akong paniwalaan."

I rolled my eyes after he said that, kahit naiiyak na'ko. I keep pretending na I'm strong.

"Fine." I simply said at tinalikuran na siya.

Napahinto ako sa paglakad ng magsalita ulit siya.

"You said you trust me, but you act like you don't. Mahal kita. I love you. Ngayon hahayaan muna kitang umalis, pero maghihintay ako sa pagbalik mo. Babalik ka diba?"

He asked.
Pinunasan ko 'yung luhang tumulo sa pisngi ko.

"Hindi ko alam." I simply said.

"Maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka nang pakinggan 'yung mga paliwanag ko."

After he said that tuluyan ng bumagsak 'yung mga luha ko, kasabay ng paglabas ko ng pinto.

Playful Kiss (PSbook2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon