Gabi na. Since gabi daw makikipag meet sa'kin si Mr. Dale, so papunta na 'ko sa bahay niya."Hey! Sure ka bang ngayon daw siya makikipag meet?"
Tanong ko kay Cara. Pagkahinto ng kotse sa harap ng bahay na ni-renovate ko.
Pa'no ba naman kasi parang walang tao. Sobrang dilim at hindi man lang nakabukas 'yung ilaw.
"Yes. Ms. Lynch." Sagot niya.
Aangal pa sana ako, pero pinagbuksan na 'ko ng driver ng pinto.
"Tss!" Padabog akong bumaba.
Ang creepy naman dito!
"Let's go Ms. Lynch." Naglakad na siya, pero huminto ulit ng mag salita ako.
"Parang wala namang tao eh."
Inirapan niya ko. Aba't loko 'to ah!
"Imposible. Kausap ko lang si Mr. Dale kanina."
He said at biglang hinablot 'yung wrist ko at hinatak ako.
Padabog ko 'tong kinalas.
"Bitiwan mo nga 'ko! Kaya kong maglakad mag isa okay?"
I said at inirapan siya bago siya lagpasan. Feel ko namang naglakad na rin siya.
Nag doorbell muna 'ko mula sa gate nila.
May nagbukas ng gate.
May guard na sila ngayon? Pero ang weird kasi naka mask 'yung guard.
I just smile at him, kahit 'di ko makita 'yung mukha niya.
Ba't kaya ang dilim? Hindi kaya may kulto si Mr. Dale ta's iaalay niya 'ko? The fuck!
Tumingin ako sa likod ko habang nag lalakad.
"Hoy hali'ka nga dito! Sabayan mo 'ko."
Utos ko kay Cara.
"'Di ba po sabi niyo kayo dapat 'yung nauuna? 'Yan na Ms. Lynch. The floor is all yours."
She said.
I just rolled my eyes on her."Ay ewan ko sa'yo." 'Yan nalang ang sinabi ko bago pa niya 'ko ma-bwiset.
Teka? Nakapagtataka? Kusa akong pinapasok nung guard? 'Di ba dapat tatanungin niya muna kung anong pakay ko? Kung sabagay baka nasabi na ni Mr. Dale sa kanya.
Nakabukas 'yung pinto kaya pumasok na 'ko.
Hindi talaga sila nag bubukas ng ilaw? Anyare dito? Ba't nag kalat 'yung rose sa sahig?
"Ay pusang kinalbo!"
Putcha! Nagulat ako ng biglang sumulpot 'yung isang maid sa harap ko.
Naka mask din siya? Ano ba naman 'to? Masquerade party ba ito? 'Di ako na-inform edi sana nag maskara din ako.
"Sa rooftop po."
Napakunot 'yung noo ko, pero naalis din ito ng maisip ko na baka si Mr. Dale 'yung tinutukoy niya.
So ganon? Papaakyatin niya pa 'ko sa rooftop?
Sa fourth floor? Bwiset!
Padabog akong naglakad papalapit sa hagdan.
Pati ba hagdan may roses?
"Ms. Lynch sa'n po kayo pupunta?"
Napahinto ako nang magsalita siya. Lagi niya talagang pinapairal katangahan niya.
"Sa fourth floor malamang. Ala'nga namang sa ground floor."
I said irritatedly.
"May elevator po." Ops! Pahiya ako do'n ah.
BINABASA MO ANG
Playful Kiss (PSbook2)
Teen FictionPlayful Smile book 2. Love is a choice..... ~~ Book cover was made by mintexprezz in their Milky Graphics Shop. Thank you!