Bonus Chapter

598 27 11
                                    


Danica's POV

"I'm sorry, ginawa na po namin ang lahat, but your son is dead."

No! Pailing iling ako habang naluluha. This can't be! Pa'no na kami ni Red? Pa'no na 'yung pamilyang bubuuin namin ni Red.

"Hindi! Hindi totoo 'yan! Tell me it's a joke." Naiiyak na sambit ko.

Nag tagumpay nga 'ko sa plano na mapag hiwalay si Minah at Red, pero namatay naman 'yung anak namin. This is not happening.

My baby is premature, at hindi niya na nakayanan, pero...

"No! It's a lie! You're lying! No!"

"Ms. Danica! Gising po!"

Bigla akong napa upo sa kamang hinihigaan ko.

Napatingin ako sa nurse na gumigising sa'kin.

Nilibot ko 'yung buong paningin ko. Nandito pa rin ako sa hospital. So everything was a dream.

Niyakap ko 'yung dalawang tuhod ko. Habang nakayukom 'yung kamao ko. Nakayuko lang ako.

"'Yung baby ko, 'yung baby ko, nasa'n na 'yung baby ko?"

Naiiyak na sambit ko.

"Ms. Danica, patay na po 'yung anak niyo."

Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin.

"Anong sinabi mo? Hindi totoo 'yan! 'Wag mong sabihin 'yan. Buhay 'yung anak ko! Buhay!"

Hindi ko na natiis 'yung sarili ko at sinakal siya.

Hindi naman siya makapalag.

Biglang nag si datingan 'yung ibang nurses.

"Danica, tama na 'yan." Pag aawat nila sa'kin.

Napahinto ako nang makita si Red.

"Red.." Lumapit ako sa kanya, nakangiti siya sa'kin.

Masaya siya, dahil nabigyan ko siya ng isang anak.

"Red. I love you."

"Ms. Danica, kumain muna po kayo."

"Mahal na mahal kita." Sambit ko habang hinihimas 'yung pisngi niya.

"Ms. Danica wala po si Red." Napatingin ako sa babae.

"Bulag ka ba? Eto siya oh." Sambit ko nang tuwang tuwa.

"Ms. Danica mag pahinga na po muna kayo."

Lumapit siya sa'kin at hinawi 'yung kamay kong hawak si Red.

"Ano ba?! 'Wag ka ngang mangielam!" Sigaw ko sa kanya.

Lumapit 'yung ibang nurses at tinulungan 'yung isang nurse na hawakan ako.

"Ano ba?!"

Lahat sila hinahatak ako hanggang sa ipasok nila 'ko sa isang private room.

Agad nilang sinara 'yung pinto at iniwan ako ditong nag iisa.

Ugh! Sinipa ko 'yung pinto.

Pati ba naman sila nilalayo ako kay Red? Nakakainis! Pare-pareho lang sila!

Nakarinig ako ng iyak ng isang sanggol. Daniel?

Dali dali ko siyang binuhat.

"Daniel, pinabayaan ka nanaman ng tatay mo ha? Tama na, tulog ka na."

Bulong ko habang hinehele siya.

"Lalala..."

~~

Playful Kiss (PSbook2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon