Chapter 4: Revealed

195 6 0
                                    

→Chapter 4: Revealedt←

Caddy's POV

"Ito ba sinasabi ni Milan?" tanong ko kay Maverick.

Natulala si Mav. Sa kanya yata 'to. Itsura palang niya eh.

Ito ang nabasahan ko:

Nakita ko ngayon yung crush ko. Nagkasabay ulit kami sa gate ng school. Nakita ko siya na lumalayo sa akin at pinagpapawisan. Kinakabahan yata siya sa akin. Ang cute niya lalo na kapag nagkaganon siya kung nadyan ako.

Teka lang.... Ako ba 'to?! Grabe kinikilig ako!

Napangiti ako. "Ba't ka ngumingiti?" tanong niya sa akin. Namula siya.

"Sayo ba 'to?" tanong ko sa kanya.

"Ako yung nagtatanong, nagtatanong din siya." he said sarcastically. Nahurt naman ako.

"Sori tao lang." nagpout ako.

"Ngumiti ako kasi may crush ka. Sinulat mo pa sa papel. Yan tuloy nalaman ni Milan." sabi ko sa kanya.

"It's weird. Ganito rin yung nangyari sa akin kaninang umaga." tinutukoy ko yung papel.

"Bakit? Akala mo ikaw yung babae dyan sa papel? Asa.." inis na sabi niya. Natulala ako sa sinabi niya. Napaluha ako.

Ouch naman. Ikaw kasi Caddy, napakafeeler mo.

"Sori. Ang taas pala ng expectation ko." pinilit kong ngumiti sa kanya. Pero napaiyak nalang ako.

Tinignan niya ako.

"Maverick, alam ko naman na alam mo na may crush ako sayo. Halata kasi. Sori kung napapahiya kita."

Inabot ko sa kanya yung papel. "Oh. Eto na yung Secret Paper mo. Promise hindi ko sasabihin kahit kanino." umalis na ako ng cafeteria.

○●○●○●○●

Maverick's POV

Syet! Ba't ko nasabi yon!

Natulala ako nang magsorry siya sa akin at sabi niya na mataas ang expectation niya.

Napaiyak siya.

Sinabi niya din sa akin ang lahat na naramdaman niya sa akin.

Inabot niya sa akin yung papel.

Tinignan ko nalang siyang umalis sa cafeteria.

Gusto ko sanang habulin siya, yakapin siya at magsorry sa kanya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ayokong masaktan ang crush ko...

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon