Chapter 21: Mall of Asia

144 2 1
                                    

a/n: Eto na at naibalik na ang chapter 21. May iba na parts na nag-iba. Sana pareho pa rin yung plot! :D

○●○●○●○●

→Chapter 21: Mall of Asia←

Nakasakay na kami ni Ivan sa kotse niya. Di ko maalis ang ngiti ko dahil sa excitement! Sa wakas after 2 year magbobonding na kami.

"Boo, san tayo pupunta?" Tanong ko na nakatitig sa kanya.

"Sa MOA tayo. Pagkatapos pupunta tayo sa isang pictorial." Sabi niya habang nakatingin lang sa daan. Baka naman gusto niyong mabangga kami ng malaking truck.

"Pictorial? Wow ah. Sosyal. Malaki ba yung binayaran mo?"

Napatawa siya. "Nah. Not really. Si Jerome naman yung magpipicture sa atin."

"Ah si Jerome yung dating kapit bahay niyo?"

"Yep. Professional photographer na siya."

"Ha?! Really?! Nung una naalala ko di yun siya marunong gumamit ng camera. Akalain mo naging professional na din siya sa paggamit nun!"

Napangiti si Ivan. "Yep. Time flies by."

○●○●○●○●

Ivan's POV

"Wooh! Saya!" Patakbo si Caddy sa entrance ng MOA.

Hay. That's what I love about her.

Nang makapasok kami tinanong ko siya. "Where do you want to go?"

"Kahit saan."

I furrowed my eyebrows.

"May 'Kahit saan' ba dito na tindahan?"

"Hehe.." Tawa niya.

Naiilang kong tanungin sa kanya to pero para malaman ko na din yung totoo. "Umm. Cad, I know this sounds offending but.. May iba ka na ba dito?"

Nashock siya at parang nag-isip muna bago makasagot. "Umm."

Bigla nalang siyang tumakbo sa tapat ng Jollibee. Why do I feel na iniiwasan niya yung tanong na yun?

"Dito tayo boo!" Sabay turo sa Jollibee.

I just smiled. "Tara."

Kumain kami ng chickenjoy na paborirong paborito niya. Pagkapatapos ay nag-ikot ikot kami sa department store.

"Eto Ivan ang ganda." Pinakita niya sakin ang isang floral dress.

"Sige sukatin mo na."

She went inside the fitting room.

Nang lumabas siya, it's like i've seen a goddess.

"Huy boo! Ba't parang nakakita ka ng aswang? Bagay ba?"

I nodded. Ngumiti siya at bumalik sa fitting room.

I insisted na ako yung bumili ng damit niya. Pero sa kakulitan nito, siya na yung nagbayad.

○●○●○●○●

Caddy's POV

Ang saya saya talaga!

Papunta kami ngayon ni Ivan sa Time Zone. Naglaro kami ng kahit ano ano. Naglaro kami nung platform yung sayaw.

Lagi ako yung nananlo. Pati na rin sa barilan. Hahaha. Ang baby naman kasi ni Ivan.

Pumunta si Ivan sa isang toy crane.

"Kita mo yun na heart? Kukunin ko yun." Proud pa siya.

"Hahaha. Hindi mo pa nga ako matalo sa barilan, diyan pa kaya."

"Oo. But this one's different. The prize is what I'm going for." Nakangiti na sabi niya sa akin.

Natulala ako. Ateh. Parang kumurot yung puso ko kahit na-nosebleed ako? Hehe.

First try palang ay nakuha niya agad yung heart. May mukha ito na ang kyutt!

Humarap siya sa akin. "This heart.." Sinubsob niya ito sa dibdib niya. "..Is my heart."

"Please take care of it no matter what the odds are and please don't break it. It's fragile than what you think. " Inabot niya sa akin ito.

Bakit parang may feeling ako na ayaw ko itong tanggapin?

Pinilit kong ngumiti. Kinuha ko yung heart sa kanya.

"I promise. Kahit anong mangyari hindi ko ito sisirain. Nakasheild na to."

And that's where the guilt starts.

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon