Chapter 22: Pictorial Coincidence

66 2 2
                                    

→Chapter 22: Pictorial Coincidence←

Pagkatapos namin sa SM ay ngayon papunta na kami sa pictorial na sinasabi ni Ivan. Kailangan pa ba talaga yun? Pero angchweet talaga. Hehe.

Nakatingin si Ivan sa relo niya at nanlaki yung mga mata niya.

"Ano problema?" Tanong ko.

"Shoot. Late na tayo sa pictorial." Binilisan niya yung pagmamaneho.

○●○●○●○●

"Wow. Mismong building na to yung studio niya?" Sabi ko habang nakatingin sa mataas na building na nasa harapan namin.

Naglakad na kami papasok. Wow talaga. Luxurious yung dating. Puro mga pictures na kuha niya. Mostly mga artista yung mga napicturan.

"Yeah. Isa na siya sa mga sikat na photographer kaya may mga artista din na nagpipictorial dito. Gaya ng mga model ng Bench." Sabi naman ni Ivan.

May babaeng sumalubong sa amin."How can I help you sir?"

"Umm I'm here for my pictorial. It was supposed to be at 1:00 pm. Kaso nalate kami ng 30 minutes."  Kinausap naman ni Ivan.

"Ah kayo po si sir Ivan. Inantay ka po ni sir Jerome. We're sorry pero okay lang ba na may nauna sa inyo? Photoshoot po ng isang model ng Penshoppe."

Ngumiti si Ivan. "It's okay. Pwede ba kami tumingin habang nagpipictorial sila?"

"Yes po sir. Come this way." Tinuro niya kami sa isang studio.

Maraming tao. May mga make-up artists. Marami rin yung mga camera at mga kung ano-anong gadgets na pang-pictorial din.

"At ngayon pa siya nagkasakit?!" Sigaw ng isang bakla. Hindi po ako nanghuhusga ah. Yung accent niya kasi nakakahalata. XD

"Sorry po sir. Maghanap nalang tayo ng iba." Sabi naman nung lalaki na kausap niya. So yung bakla yata yung parang organizer o manager.

"Eh saan naman tayo maghahanap?!" Napatingin yung manager sa side namin ni Ivan at lumapit siya sakin.

"Ikaw. Ikaw yung magpapalit sa kanya."

Tinuro ko sarili ko. "Ako?"

"Ay hindi. Siya. Yung bruhildang yun." Aba. Nagpilosopo pa si atey. "Ikaw nga. Ang kulet. Ikaw yung kapartner ng model ngayon. Antayin lang natin yung model at-"

Naputol ang pagsasalita niya nang may mga tao na nagsiksikan sa pintuan.

"Andito na siya! Places everyone!" Pumalakpak pa yung manager.

Tinignan ko yung pinagkakaabalahan nila. Nandito na yata yung model. Nakita ko siya. Wait lang.. Si Milan ba yun?!

Oo nga pala. Model siya ng Penshoppe. Papalapit na siya sa amin.

"Thank you for coming Mr. Anders." Nakipag-handshake yung manager.

"My pleasure." Sabi ni Milan. Biglang naglapat yung tingin namin. Yung hitsura niya mukhang irita na parang ewan. Sigurado akong galit yan sakin.

Pinakilala ako ng manager. "Ah siya yung magpapalit sa partner mo. She got sick kasi." Flirty pa yung boses! Sarap pektusan! XD

"Really? Then let's get started." At nagwalk-out siya. Okay lang kahit ganun yung pakikitungo niya sakin. Mas mabuti nga kung ganito.

Humarap sakin yung manager (na bakla) habang nakataas yung isang kilay. He looked at me from head to toe. "Dalhin niyo na siya sa dressing room."

May mga babae na nag-assist sakin papuntang dressing room at doon ako minake-up-an at inayusan. Pinasuot narin ako ng damit na uso ngayon. Tank top na pink tapos tiger-printed jeans with matching sapatos.

Inaamin ko po. GGSS ako. Gandang ganda sa sarili pero NGAYON LANG.

Kinakabahan na ako ohmaygad.

Sumenyas na yung isang babae na papuntahin na ako sa stage. Huminga ako ng malalim at tumungo sa stage.

Nang makarating ako timing rin na paparating si Milan. Ang. Gwapo. Niya. Period.

Ngayon ko lang nakitang nakaayos si Milan. Ang angas niyang tignan. Bagay na bagay sa kanya yung outfit at naka-gel pa yung buhok. In other words, hot.

Tinanguan niya ako. Ibig sabihin nun "Hey." Tinanguan ko rin siya. Aba ey di ko siya kakausapin kung ganun din naman siya.

"Postition na kayo!"

Bumalik ulit yung kaba ko. Ano ba yan! Wala nga akong experience dito eh!

Tumingin tingin ako sa crowd at nakita ko si Ivan na naka-thumbs up. Mas lalo akong kinabahan kasi nandyan siya. Nakakahiya!

"Hey. Stay calm." Bulong sakin ni Milan. Napatingin ako sa kanya. "Gayahin mo lang yung nandun sa mga magazine. Kung saan ka comportable." Ngintian niya ako.

For a moment, napalakas yung loob ko hindi lang sa sinabi ni Milan pati sa ngiti niya. It looked pleasing.

"Ano na! Position na kayo at tingin sa camera!" Eto namang bakla di makahintay! Sige na nga.

Ginaya ko yung model na nakita ko sa isang magazine gaya ng sabi ni Milan. Mukhang seryoso yung babae dun eh kaya gagayahin ko na rin.

"Perfect! Isa pa! Closer!"

Ay shet. Anong position?!

Hinawakan ni Milan yung kamay ko at pinatong niya ito sa braso niya. Siya naman nakahawak sa bewang ko na hindi ako tinitignan.

He looked at the camera and smirked 'till it flashed.

○●○●○●○●

Pagkatapos nun, kinausap ako ng manager. "Ang galing mo naman palang magmodel. Bagay na bagay sa beauty mo."

"P-po?" Ano daw? Tama ba narinig ko? Magaling? Magmodel? Beauty?

"Eto yung bayad mo." May inabot siyang cheke. Nakasulat ay 10,000 pesos. Malapit nang maluwa yung eyeballs ko.

"Naku po. Okay lang po yun. Pasalamat nga ako na napili ako bilang model dito." Pagtanggi ko. Napili na nga akong model, babayaran pa ako. Sobra na sobra na to.

"Tanggapin mo na." Pinilit niya parin ito. Oh well. Tanggapin ko na nga lang kesa mawala pang parang bula.

Lumapit samin si Milan. "I need to go. May appointment pa ako sa isa pang company. Thanks again."

"Thank you very much, Mr. Anders." Nakipagshake hands yung manager.

Before he left the room, liningunan niya ako. He smiled, showing his cute dimples, and waved his hand. Ganun din ang ginawa ko. I felt weird inside.

"Boo." Naramdaman ko yung kamay ni Ivan. "You were beautiful back there."

Itinirik ko lang yung mga mata ko. "Were." At ngumisi. "Yung pictorial natin? Ituloy na natin."

Pinigilan niya ako. "It's fine." Pinakita niya sa akin yung phone niyang punumpuno ng picture ko sa pictorial. "Atleast I have a picture of you."

Tinignan ko yung ibang pictures.

Ang nakakuha ng pansin ko ay yung picture namin ni Milan. Eto yung last pose namin.

Si Milan nakahawak sa bewang ko at ako naman gulat na nakatingin sa kanya.

Nagtama yung tingin namin ni Milan dito sa pic.

Medyo kinabahan ako.

Kinuha ito ni Ivan at timing yung pagkuha niya. I looked at Ivan. Kausap niya si Jerome.

Tingin ko may nararamdaman siyang kakaiba sa pagitan namin ni Milan. Natatakot ako na baka iba yung isipin niya.

○●○●○●○●

a/n: Hello. Isang taon ko na tong hindi inupdate. Kala ko kasi wala na tong pag-asa kasi nadelete yung ibang chapters. XD

Maraming salamat sa nag-vote nung isang araw. Yun yung nagmotivate sa akin. <3 Gulat din ako na marami nang reads. Maraming maraming salamat talaga sa pagbasa.

HAPPY NEW YEAR PEOPLE!!

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon