Chapter 11: Back From the Past

168 2 0
                                    

→Chapter 11: Back From the Past←

Si Ivan yung nagmessage. Ang sabi niya:

Hi boo! Miss na miss na kita. Bakit tinanggal mo ako sa friends mo? Accept mo naman friend request ko. Alam mo ba nag aalala ako sayo palagi? Sori di na ako nagmemessage sayo. Mag usap nalang tayo sa phone.

Si Ivan din pala yung tumawag. Kinausap ko siya.

"Si-sino to?" naninigurado lang ako. Baka mapahiya ako na hindi siya.

"Si Ivan to." napaluha ako. Nakakapanibago yung boses niya. Parang mas lalong lumalim boses niya.

"Ivan? Kamusta ka na! Magaling ka na ba? Bat hindi mo ako nireplayan? Miss na kita! Miss na miss!" umiyak ako. Ngayon lang kasi kami nag usap ulit after 2 yrs.

"Okay na ako Cad. Sorry di na ako nagmessage. Nagpagaling pa kasi ako." sabi niya.

"Magpagaling sa mga babae diyan? Sino yung babae na kasama mo sa profile pic mo?" galit na sinabi ko.

"Caddy wala akong babae rito. Ikaw palagi ang nasa isip ko. Yung babae na yun cousin ko."

"Ah. Boo tumaba ka sa picture mo. Nakakamiss ka naman." nagpout ako.

"Haha. Siyempre lumaban ako para sayo." masaya niyang sinabi.

"Boo kamusta na parents mo? Hindi ko na siya nakikita sa profile mo eh." tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita.

"Boo? Nandyan ka pa?" sabi ko.

Parang umiyak siya. "Sina mama naaksidente." nagulat ako sa sinabi niya.

"Ha! Paano nangyari yun!"

"Na car crash sila. Nabangga sila ng truck. Thats why na hindi na ako nagrereply sayo. Hindi pa ako nakamove on sa nangyari." umiyak pa siya.

"Sorry. Saan ka ngayon nakatira?" tanong ko.

"Yung babae sa pic, yung cousin ko, dun ako nakitira sa kanila. Pinacheck up nila ako kasi lagi akong naistress. Payo ng doctor kailangan ko daw ng suporta o bumalik sa Pilipinas para makatulong ang pamilya ko dyan. Kaya uuwi ako sa Pilipinas." sabi niya.

Sumaya ako sa sinabi niya. "Talaga! Kailan ka pupunta rito?"

"Mga next week na boo. Magkikita na ulit tayo at sasagutin mo na ako." masaya niyang sinabi.

"Ah. Basta aalagaan kita pagdating mo dito." sabi ko.

"I love you boo. Promise mo yan ah. Dapat lang wala ka nang lalaki dyan." tumawa siya.

Nawala yung ngiti ko. Naisip ko ulit si Mav.

"Ah eh. Oo naman. Wala akong iba kundi ikaw." sabi ko sa kanya.

"Teka. San mo nakuha number ko?" tanong ko.

"Sa childhood friend ko."

"Sino?"

" Si Maverick Davis. Siya yung kababata ko. Sabi niya kilala ka raw niya. Kilala mo siya?"

Kay Mav niya nakuha! May number pala si Maverick sa akin!

"Oo. School mate ko." sagot ko sa kanya.

TOK TOK TOK.

"Caddy anak. May tumawag sa telepono. Sayo daw." si mama pala.

"Sige Ivan. Alis na ako. Bye. Bukas nalang!" sabi ko kay Ivan.

"Love you. Bye." binaba na niya.

Pumunta ako sa pintuan at binuksan ko ito.

"Tumawag nga si Ivan. Wait till malaman niya na may bago ka nang gusto."

Hala! Si kuya pala yung kumatok.

"Wait lang. Ikaw ba yung nagsalita na parang si mama?" tanong ko.

Nagsmirk lang siya.

"Sisirain ko buhay mo. Sisirain ko relasyon niyo."

"Kala mo ikaw lang? Hoy marunong rin ako lumaban." sigaw ko sa kanya.

"Tignan lang natin." umalis na siya.

Ano kaya gagawin ni kapre?

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon