Chapter 1

742 10 4
                                    

→Chapter 1←

"Diba si ano na ano siya sa ano... hahahaha"

Naguusap sina mama at yung kaibigan niya, si Tita Violy. Ewan ko nga ano yung pinaguusapan nila. Sila lang kasi yung nagkakaintindihan.

Nadito kami ngayon sa bahay nila Tita Violy. Pinapunta niya kami dito kasi gusto niya kaming makita at makipagchika kay mama.

Nakaupo lang ako dito sa sofa at nanuod ng tv.

"Uuwi nga pala sina Freice at yung buong pamilya niya dito bukas."

Parang naging interesado ako sa topic nila ah. Makikinig nga ako.

"Talaga? Kamusta na pala siya? Ilan na yung anak niya?" Manghang tinanong ni mama.

"Nakatira sila ngayon sa London. Dalawa yung anak, isang babae at isang lalaki. Ka-edad nga ni Caddy yung lalaki at yung babae pareho yata kay Dylan."

Wow! London, British, sosyal! Ang ganda naman dun! (Kahit di pa ako nakakapunta :P) Swerte naman nina tita Freice.

Maganda yung mga accent nila. Yung parang slang pero hot pakinggan. Marami rin ang mga magaganda at gwapo dun sa UK. Example na dun si Harry Styles.

Ganun din kaya yung anak ni Tita Freice? British accent ba? Gwapo ba gaya ni Harry Styles? Kung ganun he's perfect for me. Joke lang haha.

Anyways, let me introduce myself. I'm Caddy Skylar Ocampo, 16 yrs. old, from Quezon City! Miss Universe ampeg. Nag- aaral ako sa Alexander University and I'm a third yr. student.

Panget ako na may itsura ng konti lang. Ayoko ng girlish girly girl outfits. Sanay na ako sa blouse at pants. Komportable naman ako eh.

○●○●○●○●

Let me tell you about my past. Ewan ko kung mafifeel niyo yung nafifeel ko basta ifeel niyo nalang. :)

Nagkacrush ako sa isang napakagwapo at mayaman na nilalang na si Ivan Gil. Nalaman ko na may crush siya sa akin dahil nagtapat siya sa akin.

Pagkatapos nun naging close na kami sa isa't isa at nagkukulitan. Parang Mutual Understanding. May tawagan nga kami eh. Tawag namin sa isa't isa ay 'boo'. Sweet ba?

Isang araw ay pumunta siya sa labas ng bahay namin. Nagharana siya sa akin. Nakita nga siya ni mama eh. Kinikilig din.

Kinanta niya ang 'You Make Me Smile'. Ewan ko ba kung sino ang singer nun basta nakakainlove.

Ilang saglit lang ay nahimatay siya. Nashock ako at agad akong lumapit sa kanya. Tumawag kami ng ambulance at dinala siya sa ospital.

Tinignan ko lang si Ivan na natutulog ng mahimbing. Ang gwapo niya. Parang anghel na palaging nasa tabi mo. Pero sana nakatulog siya dahil sa pagod at hindi sa ibang dahilan.

Kinausap ng doktor ang magulang ni Ivan. Siyempre narinig ko. Ang lapit kaya nila sa akin. Ang sabi ng doktor na may malubhang sakit si Ivan at kailangang ipakita at ipaopera si sa America. At sabi niya na it will take years to make him recover.

Di ako makapaniwala. Bakit sa kanya nangyari to? Paano na kami?

Kinausap ako ng mga magulang ni Ivan. Lilipad daw sila sa America para magpagaling si Ivan. Wala naman na akong magagawa.

Nakita namin na bumangon si Ivan. Kinausap niya ako. "Sorry hindi ko natapos yung kanta. Hindi ko sinabi sayo na may sakit ako." malungkot na sinabi niya.

"Okay lang yun! Di ka naman nawalan ng tono. Basta magpagaling ka ah." napaluha ako.

Pinahiran niya ang luha ko. "Oo naman. Promise, pagbalik ko dito tatapusin ko na yung kanta." masaya niyang sinabi. "Caddy, mahal na mahal kita. God knows i truly do."

Napahagulhol ako ng iyak. Sinagot ko naman siya. "Mahal na mahal din kita Ivan. " niyakap ko siya ng mahigpit. He also hugged me back.

○●○●○●○●

Nung na-discharge na si Ivan ay pumunta agad sila sa airport. Sinama nila ako.

Kinausap niya ako. "Caddy, promise me you'll wait for me. Promise me we'll still be together when i come back."

"Promise yun. Promise me too that you'll not to fall inlove with mestizas there in America." seryosong sinabi ko sa kanya.

Napatawa siya."I love you no matter what happens and nothing can ever change that." naramdaman ko ang init at sincerity sa sinabi niya.

Napaluha ako. Pinahiran niya naman ito at hinalikan ako sa labi. I kissed him back. I'll really miss this guy.

After that, pumasok na sila sa departures area . Kinawayan ko siya sa huling sandali.

~END OF BACK STORY~

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon