Chapter 12: Nagselos Si Milan

164 3 0
                                    

→Chapter 12: Nagselos Si Milan←

Nagising ako nang narinig ko nagring yung phone ko. Binuksan ko at nakita ko si Milan yung nagtext:

Gumising ka na. Malelate ka na ulit. :)

Suspicious but sweet naman yung text ni Milan.

Nireplyan ko naman:

Salamat. Nagising mo ako. :)

Puro smiley nalang. :)

Naligo na ako at nagbihis. Bumaba na ako para kumain. Nakita ko si kuya.

"Uh ma. Mauna na ako. May project pa kasi kami. Kakain nalang ako sa school." sabi ko kay mama.

"Sige. Mauna ka na. Baka malate ka." sabi ni mama.

Tinitigan ako ni kuya. Kinikilabutan tuloy ako.

○●○●○●○●

Nandito ako ngayon sa school. Pumunta na ako sa classroom. Hindi ko napansin na nadaanan ko na pala yung room nila Mav. Inaantok pa kasi ako.

Umupo ako at natulog.

Biglang may humawak ng pisngi ko.

"Cad. Gising. Buti narecieve mo text ko." may nagsalita.

Sinampal ko yung tao."Ano ba Shie. Inaantok pa ako." huminto naman ito.

"Eh. Lagi mo nalang ako sinasampal gaya nung nasa bahay niyo ako." si Milan pala yung nasampal ko!

"Hala! Sori Milan. Akala ko ikaw si Shie."

"K lang. Dito lang muna ako sa tabi mo." sabi niya habang linapit niya yung upuan niya sa akin

"Magbebell na. Baka malate ka." bumalik ako sa pagtulog.

"Wala akong pake kung malate ako. Basta katabi lang kita." narinig ko ang bulong niya.

"Eh?!" sigaw ko at tinignan ko siya.

"Joke lang ang feeler mo. Wala pa kasi si Mav. Kaya pumunta ako dito." tumawa siya.

"Ah okay." tumango ako at natulog ulit.

Naiilang ako. Hindi siya umaalis. Tingin ng tingin lang sa akin.

"Ano ba Milan!" nakakainis na kasi.

"Kasi ang cute mo pag natutulog." nginitian niya ako.

"Hoy Milan! Layuan mo nga si Caddy!" biglang may sumigaw. Napalingon ang lahat sa pintuan. Si Mav!

Ayun tuloy naghiyawan ang lahat at kinikilig.

"Milan lumayo ka nga." nagpout ako kay Milan.

"Sori na pinaselos ko boyfriend mo." sabi niya at lumayo na siya.

Lumapit si Mav sa akin.

"Sori ah. Magsascandal ako." ngumiti siya.

Hinalikan niya ako sa pisngi. Bumilis ang tibok ng puso ko. Namula ako.

Bigla namang sinuntok ni Milan si Mav.

Napatingin si Mav kay Milan. "Ano ba problema mo ha!" sigaw niya kay Milan.

"Wala." nakita kong naninigas ang mga kamay ni Milan.

"Eh bakit mo ako sinuntok! Baliw ka! Baka naman nagseselos ka!" sigaw ni Mav

Pumasok yung teacher namin.

"Stop Maverick Davis and Michael Angelo Anders! Leave this room right now and proceed to the principal's office." tinuro ng teacher namin yung pintuan.

Sinunod naman nina Mav yung sinabi ni mam.

"Ikaw din Ms. Ocampo. Sama ka rin sa principal's office." dagdag ni mam.

"A-ako po?" sabi ko.

"Ay hindi. Ako nalang kaya. Nakakahiya naman sayo." sabi niya sarcastically.

Sumama na nga ako sa office.

○●○●○●○●

Nakarating na kami sa principal's office. Hindi pa rin kumikibo yung dalawa.

Umupo na kami sa harap ng principal.

"When did this all happen?" tanong ng principal namin.

Nagsalita naman si Maverick. "I was going to Caddy's room and saw Milan beside her. Pinaalis ko siya at hinalikan ko si Caddy. Bigla nalang akong sinuntok ni Milan. Nababaliw na yata to."

"Bakit sinabihan ka ba ni Caddy na halikan mo siya? Respeto naman." sagot ni Milan.

"Why did he kiss you Ms. Ocampo?"

"Ewan ko mam. Pero hindi naman ako nagalit." sagot ko.

"You know in this school, students should prioritize their studies. Not teenage crushes or boyfriends." sabi ni mam.

"Yes mam." sabay naming sinabi.

"Another question, why did you punch Mr. Davis?" tanong ni mam.

"Because i..." mukhang kinakabahan si Milan.

"Mam. Pwede po bang pumunta nalang ako sa classroom? Baka makaabala pa po ako." tumayo na ako.

Biglang nagsalita si Milan. "Because Caddy is my crush mam."

Napahinto ako at nanlaki mata ko. Nagulat kaming lahat.

Ako crush ni Michael Angelo Anderson? The hottest and meanest student in Wilford? Nakakaflutter naman.. ♡_♡

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon