Chapter 7: A Foe to A Friend

188 5 0
                                    

→Chapter 7: A Foe to A Friend←

"Hahaha. Joke lang. Ba't nanahimik ka?" buti nalang joke yun.

Nag fake laugh si Milan. "Ahahaha. Nanuod pa kasi ako ng tv."

"Basta bro, huwag mo nang ipakalat. Bukas magsosorry ako sa kanya."

"Magtatapat ka na?" tanong ni Milan. Mukhang seryoso siya.

"Basta. Bukas nalang malalaman natin. Sige bro tulog na ako." binaba na ni Mav yung tawag.

Tinago ni Milan yung phone niya.

Tinignan niya ako. Nagsmirk siya sa akin.

"Ano!" sigaw ko sa kanya.

"Sabi ko nga sayo na ikaw yung babae na gusto ni Mav. Narinig mo naman diba." sagot niya.

Tumango ako at lumuha. Tears of joy po ito.

Inakbayan niya ako. "Pasensya na pinahiya ka niya. Pero ganun talaga kaming mga lalaki, hindi pinapahalta na may crush sayo. Nahihiya kami. Kaya sagutin mo na si Mav."

"Wala akong masabi." wala talaga akong masabi. Gusto niyo malaman reaksyon ko?

"AAAAAAAAHHHHH!!" tumalon ako sa saya. Ang laki ng sigaw ko. Tinakpan kaagad ni Milan bibig ko.

"Oo na masaya ka na. Huwag mo naman ako ipahiya." bulong niya sa akin.

"Milan mamaya mo nang ligawan kapatid ko! Alam mo na parang na 'all of a sudden' yan kapag ganunin mo siya." sigaw ni kuya. Tama nga naman siya. All of a sudden kasi yung sinabi ni Mav.

"Liniligawan mo anak ko!" ang bilis naman ni mama makalabas sa pintuan parang in a flash lang.

Hinawakan ako ni Milan. "Tignan mo ang ginawa mo."

"Naku huwag ka nang mahiya." sabi ni mama.

Nginitian ko si mama. "Ma huwag po kayong over. Wala ho yun."

"Okay. Sorry iho. Ito kasi si Dylan." yun lang sinabi ni mama. Bumalik na siya sa loob at ginawa na niya yung ginagawa niya.

Ewan ko kung gusto kong pasalamatan si Milan o batukan siya. Pero mas higit yata na magpasalamat.

Tumingin ako kay Milan at niyakap ko siya ng mahigpit.

Nashock siya at niyakap din niya ako.

Wala akong sinabi.

Pumasok na ako sa bahay at pumunta sa kwarto ko.

○●○●○●○●

Tumalon ako sa higaan ko at hindi ko na natatanggal yung ngiti ko sa mukha na parang tanga.

"Yes. She was the girl in the secret paper."

"Yes. She was the girl in the secret paper."

"Yes. She was the girl in the secret paper."

Paulit ulit ito sa isipan ko. Ako pala yung gusto ni Mav. Hindi tuloy ako makatulog sa sobrang saya.

Parang kakabahin ako bukas pag nakita ko siya.

Ano kaya sasabihin niya sa akin? Magtatapat na ba siya? Haaaay. Bakit parang feeling excited ako?

May kumatok sa pintuan ko.

"Caddy, tulog muna ako sa kwarto mo. Ayaw ni Dylan na matulog ako sa kwarto niya." si Milan pala.

Binuksan ko yung pintuan.

"Anong ayaw? Eh magkaibigan kayo?" sabi ko sa kanya.

Kinamot niya ulo niya. "Ewan ko nga sa kanya. Sabi niya ayaw niya sa akin."

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon