Chapter 19: Confused

158 3 2
                                    

→Chapter 19: Confused←

Nakauwi ako ng 6:00 ng gabi. Siyempre sinundo naman ako ni Lawrence pauwi.

Sinabi ko sa kanya na dadating bukas si Ivan. Sinabi ko rin sa kanya tungkol kay Ivan at sa aming dalawa.

Hindi naman siya nakikinig. Parang akong tanga walang kausap.

Walang kibo si Lawrence. "Hoy Lawrence. Hindi ka nakikinig sa akin."

"Pardon me?" sabay confused face niya.

Translate nalang natin. Nakakahiya kasi. "I said you not talking when me talk-"

"You really suck at english." ouch teh. Biro lang naman yung kanina.

Sinagot ko siya. "You want British accent? I'll give you British accent." nagclear ako ng lalamunan ko.

"Ahy whas sehying thaht yow ahre noht tohking whhhhen.."

"I absolutely don't sound like that." tumawa siya.

"Whhat? Ahm ahy bohthering yow?" tinarayan ko siya. Nakaktuwa kasi British accent niya.

Tumawa kaming dalawa. Pero nawala yung tawa namin at nagsalita siya.

"I was uncomfortable you know. It's like...." hindi niya tinapos.

"Like what?"

"Nothing. Just forget about it. I really had fun today Skylar." inabot niya kamay niya para maghandshake.

Inabot ko kamay niya. "Me too. Thanks."

Hindi niya parin tinatanggal yung kamay niya.

"Lawrence. Kamay mo." tinanggal na niya ito.

"You are...." linapit niya mukha niya sa akin. Haay. Style niya nanaman to.

".... Making me crazy." nagulat ako nang bigla siyang naglakad papunta sa sasakyan niya at umalis.

Naiwan ako dito na nakatunganga.

"Baliw." pumasok na ako ng bahay.

○●○●○●○●

Pumunta ako ng kusina para kumain. Nandun si mama.

"Caddy ano ang nangyayari sa inyo ni Lawrence?"

Kumuha ako ng chips sa may cabinet at binuksan ito. "What do you mean?"

"Sabagay gwapo naman anak ni Freice." linagay ni mama kamay niya sa chin niya na parang nag iisip. "Mayaman pa. Bagay na bagay sayo."

Malapit ko nang maluwa yung kinakain ko. "Mama naman. Iba iniisip mo. Porke gwapo at mayaman aasawahin ko na."

Tumawa si mama.

"Si Milan tumawag. Gusto ka daw makausap. Alam mo ang bait ng batang yun. Marami talaga ang nagkakagusto sa anak kong maganda."

"Buti nalang no hindi ako nagkamukha sayo?" biro ko.

Hinampas ako ni mama sa braso tapos tumawa.

"Sige ma. Akyat na me."

Umakyat na ako sa kwarto. Nagfacebook ako.

Nakita ko maraming post ang nasa wall ko. Puro mga pictures namin ni Mav at Milan.

May mga nagpost "Malandi ka na babae." "How dare you hurt our prince." "Ang kapal ng mukha mo."

Sino ba ang hindi mapapaiyak?

Hindi ako. Parang ang girlish naman na umiyak lang para diyan. Napakacorny.

Tumawag si Milan sa akin.

"Oh Milan."

"Hi Cad. Musta?"

"Sa tingin mo?"

"Sorry talaga. Wala akong maisip na iba eh. Gusto ko sanang sabihin na cousin kita pero yun talaga yung lumabas sa isip ko."

Napaluha ako na ewan. Sinampal ko nga sarili ko.

"Cad are you crying?"

Hindi ako sumagot. Mas rumami yung luha ko. Parang mabigat yung loob ko na gusto kong ilabas lahat.

"Cad please speak. Say anything you want to me. Suntukin mo pa ako sa pagklase."

Napasigaw ako. "Milan! Alam mo ba na dadating si Ivan bukas. Ewan ko anong sasabihin ko sa kanya. Nakakainis. Bakit ka ba kasi nagkagusto sa akin?"

Nanahimik si Milan.

"Y-you are taken aren't you?"

"I just want to make things normal. The way it was supposed to be sa pagdating ni Ivan. Ikaw bestfriend ni Mav at si Mav crush ko. Yun lang naman eh."

"You didn't answer my question. Are you taken?" galit yung boses ni Milan.

Kinakabahan ako.

"Caddy! Answer me!"

"Di ko alam. Nagpromise ako sa kanya. Na sasagutin ko siya pagbalik niya."

"You still have feelings for him?"

Napaisip ako bigla. May nararamdaman pa ba ako kay Ivan? Gusto ko pa ba siya? Confused pa talaga ako.

"Yes. So dapat layuan mo na ako."

Wala na akong ibang sagot. Dapat ko nang tapusin ang nararamdaman ni Milan.

○●○●○●○●

a/n: Ewan ko ba anong chapter yung gagawin ko kaya ito na lang yung naisip ko. Sori kung boring. ^-^

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon