Chapter 15: Model Disaster 2

147 2 0
                                    


→Chapter 15: Model Disaster 2←

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Milan. Lalo na ako. Ikaw ba naman pagsabihan na yaya ka niya? Kala mo.

"Hoy Milan--.."

Biglang sumingit si Maverick. "Itong babae ang crush ko na malapit ko nang ligawan.." tumingin siya kay Milan.

"Just so you know." dagdag pa niya.

"Ha!" napasigaw ang lahat. Mas rumami yung mga flash ng camera at tutok na tutok kay Maverick yung nga camera.

Nanlaki mata ko.

"Maverick sumusobra ka na ah." sabi ni Milan.

Dalawa sila nagtitigan.

Nagsiksikan yung mga reporters.

Masamang kutob ko na baka magbakbakan na naman tong dalawa.

"Nagseselos po ba kayo Michael Angelo?" tanong ng isang reporter.

"Ako magseselos? Eh ang kapal niya. Pati assistant ko, nagkakagusto siya. Yaya ko pa kaya sa bahay baka asawahin niya." sagot ni Milan.

"So you wouldnt mind me asking your personal assistant to a date right?" sabi naman ni Maverick.

Nanlaki mata ni Milan. "Papatayin kita. Sinisira mo lang career ko."

"Teka lang. Mukhang pressured ka ah. Wag mong sabihin may gusto ka rin sa assistant mo?" tinarayan ni Mav si Milan.

Hinawakan ni Milan braso ko at tinapon ako kay Mav. "Edi sayo na yan."

Grabe. Ang galing ni Milan mag acting.

Napaluha ako. Ang sakit kaya. Nanakit braso ko. Hinawakan kasi niya ng mahigpit yung braso ko tapos itinapon lang.

Nawala yung galit na mukha ni Milan "Caddy sori sori sori."

"Okay. Alis na kayong lahat rito at magkaklase yung mga estudyante." dumating yung principal kasama yung nga guards.

Salamat na nakalabas na silang lahat. Kahit isang butil walang natira na reporter.

"Students please proceed to your classes." umalis na yung mga students sa mga classroom nila.

Lumapit si mam sa amin.

"You know this happening will be seen all over the news." sabi niya.

"We'll talk about this later in my office." sabi ni mam tapos umalis na siya.

Tumayo ako ng maayos at naglakad papunta ng classroom ko.

"Cad. Sori talaga." hinawakan ako ni Milan.

"Yan kasi. Nagmodel ka pa." sabi ni Mav.

Humarap ako sa kanila.

"Ang kakapal niyo. Ginagawa niyo akong tanga at malandi." lumuha ako.

Natulala silang dalawa.

Pinunas ko luha ko. Tumawa ako.

"Hahaha. Joke lang ano ba kayo." nginitian ko sila.

Tinalikuran ko na sila at pumasok na sa classroom ko.

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon