Chapter 18: I Walked With Him

148 2 2
                                    

→Chapter 18←

Nagring ulit yung paborito kong ringtone. Nagtext nanaman si Lawrence.

Sorry late reply. I had to translate the one you said. Coz i don't get it. Actually you have something to do here. I can help you with the news on tv.

Malamang alam niya yung news sa tv. Meron silang tv eh. Pero baka nga tama siya na makatulong siya sa akin.

Nagbihis na ako kahit hindi pa ako sinabihan ni mama. Ewan ko nga anong susuotin ko.

Kaya tinext ko si Sandy kung anong susuotin ko. Siya kasi yung fashionista sa amin.

Sabi niya suotin ko daw yung shorts ko na may flower print and a peach colored blouse with ruffles at the end.Pinasuot din niya yung nude pumps ko.

Hindi ko naintindihan mga sinabi niya pero sinundan ko naman yung payo niya.

Tinignan ko itsura ko sa salamin. Ang arte naman. Mukha akong malandi na babae sa suot kong ito. Nagpalit ako ng pants para matabunan tong butot balat na legs.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ako ni mama.

"Maraming reporters sa labas." sabi ni mama.

"Sige lang. Papaalisin ko sila. Hindi ka ba sasama kina Tita?" tanong ko.

"Ah sige mauna ka na. Aasikasuhin ko yung mga reporters." naglakad na si mama papunta sa pintuan.

Sinabayan ko si mama. Pagbukas namin ng pintuan biglang naging maliwanag yung paningin namin dahil sa mga flash. Maraming nagtatanong ng kahit ano. Hindi nga ako makadaan dahil sa dami nila.

"May pupuntahan pa po ako. Padaaanin niyo ako." sabi ko habang pilit kong inaalis sila.

Pero hindi sila nakikinig. Tanong ng tanong lang sila tungkol kay Milan. Hindi ako makagalaw. Nagsisiksikan na sila.

Biglang may narinig akong sasakyan na pumarada sa bahay namin.

May sumiksik na lalaki sa mga reporters.

"Let me through." sabi niya sa mga reporters di ko makita kasi siksikan eh.

Hinawakan niya braso ko at linabas ako sa crowd. Pagtingin ko si Lawrence pala.

"You know, you are always in trouble." sabi niya habang papunta kami sa sasakyan niya.

"Heh." yun lang nasabi ko.

Inandar niya yung sasakyan at nagdrive. Tahimik lang kami. Tingin ko pupunta kami sa bahay nila. Pero nung nadaanan namin yung subdivision nila nagtaka ako.

"Diba don yung bahay ni Tita?" tinuro ko sa bintana.

Hindi siya sumagot. Kabuyset. Lagi nalang hindi sumasagot.

"Ano? Hindi ka sasagot nang kinaladkad mo ako palabas ng mga reporters?"

"Sh*t. Just shut up and wait till we get there." nagmumura siya sa pagmumukha ko? No way.

"Ang kapal mo. Minumura mo pa ako. Tigilan mo yung sasakyan at baba ako." sabi ko habang hawak hawak yung pintuan ng sasakyan.

Diri diretso lang siyang nagdrive.

"Ah sige. Baba nalang ako habang nakaandar to." pilit ko ng buksan yung pintuan pero nakalock ito. Hindi ko rin maunlock kasi matigas.

"You can't go out. I jammed the doors doofus."

Tumahimik nalang ako. Ano pa ba magagawa ko? Basagin yung salamin gamit yung sandal ko? Wag nalang. Sayang sandal ko. Mamahalin pa naman.

Pumarada siya sa isang park. Ang ganda. Madamo yung lugar at malamang fresh air.

Bumaba na kami.

Naglakad kami sa may damuhan. Ang sarap ng hangin. I can feel it on my soft skin. Hehe

"Ummm.. So.." biglang nagsalita si Lawrence. Nagulat ako nang nanlaki mata niya ng tinignan niya ako.

"You look dressed." tumingin siya sa paa ko. "You even wore high heels on our date."

Sinuntok ko siya sa braso. Tumawa lang siya.

Naging seryoso muli yung mukha niya."What have you been doing this past week? I mean you were only in school for a week and there's so many news going on."

Napatingala ako sa kanya. "You know like this like that."

"Oh." buti naintindihan niya ako no?

Pero hindi ako magpapatalo sa englishan. "It has been a reeeeeeeally busy week."

"Need my help?"

"Well.." nag isip ako. "I guess."

Ngumiti siya at naglakad pa kami. "Mom thought of making me stay here till the end of the school year."

Nanlaki mata ko. "Ha!"

"Don't get too excited. But i'm not going to your trashy school 'cause there are hot gals going crazy about me you know."

"Laki ng pride teh. Ikaw na yung gwapo. Ikaw na talaga." sa isipan ko lang sinasabi to. Baliw kasi ako.

Walang nagsalita sa amin. Pero bigla naman siyang nagsalita. Ewan. "It was actually my idea. I wanted to know more about Filipina girls..." tumingin siya sa akin. "Like you."

Inalis ko ang tingin sa kanya at naramdaman ko ang init sa mukha ko.

"Let's stay here and talk." naglakad siya papalayo sa akin. Hinabol ko nama  siya at nagkasabay na kaming naglakad.

We walked under the sunset together. He comforted me the second time. And I owe him very much.

Char. Alis na tayo sa dramahan. Pero totoo na nacomfort ako ni Lawrence. Na may kausap kang matino. Na may makakaintindi sayo.

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon