Chapter 5: The British Guy

218 9 0
                                    

→Chapter 5: The British Guy←

Caddy's POV

Umuwi ako nang maaga. Ayokong makita ng mga kaibigan ko na umiyak ako. Ayoko ding makita si Mav.

Ang sakit naman yung sinabi niya sa akin. Pero kasalanan ko naman kasi ang laki ng pride ko.

Tingin ko iiwasan na niya ako bukas. Siyempre ang awkward kaya yung nangyari kanina. Nakakahiya pa.

Bakit kasi binigay sa akin ni Milan yung papel eh hindi naman ako yung nakasulat don? Para paselosin ako? Para mapahiya ako? Sana nga makaapak siya ng tae sa ginawa niya.

Dumating na ako ng bahay.

"Oh anak. Ba't ang aga mo namang dumating? Diba mamaya pa yung dismissal niyo?" tanong ni mama sa akin.

"Pinauwi ako ng maaga. May kasalanan ako na hindi ko makakalimutan habang buhay." sagot ko kay mama.

"Ano! Natanggal ka sa eskwelahan!" grabe naman. Tanggal agad.

Huminga ako ng malalim "Ma. Hindi ko sinabi yan. Iba nanaman ang iniisip mo. Basta di mo ako maiintindihan"

"Ah bahala ka na nga. Sya nga pala, pupunta tayo kina Violy mamaya. Dumating na yung kapatid niya." sabi ni mama sa akin.

"Sige po. Akyat na ako." umakyat ako kaagad sa taas.

Pagdating ko sa pintuan ay hinarangan ako ni kuya.

"Hoy Caddy. Ang landi mo kanina sa cafeteria ah. Arte arte pa 'to kay Maverick. Asa kang magkagusto sayo. Tignan mo kaya sarili mo. Tingin mo impressed siya sayo? Eh yung kadamit mo. Para kang babaeng taga public school." pinaglalait nanaman ako ng buyset na halimaw na 'to.

"Yung ex mo nga iniwan ka dahil dyan, eh si Maverick pa kaya na hindi pa kayo." additional na panglalait.

Nabusyet ako sa kanya "Hoy kapre! Alam ko namang hindi yun magkakagusto sa akin. At oo panget nga ako pero hindi ako nakakasakit ng tao! At oo din na iniwan ako ni Ivan! Hindi lang siya maruong pumili ng babae!"

Tinulak ko si kuya at pumasok na ako sa kwarto ko.

Sumambat pa ito "Tama yun na hindi ikaw ang pinili niya. Magaling talaga siyang mamili ng babae."

"Hoy kuya! Tigilan mo ako ah! Gusto mo sabihin ko sa jowa mo na ang baho mo talaga pag nandito sa bahay!" sigaw ko kay kuya.

"Di mo ako matatakot. Tanggap niya ako kahit ano man ako!" blah blah blah.

"Tanggap niya na ang baho mo? Asa pa. Ako nga eh nahilo na sa amoy mo, kaya tingin ko mahihimatay yun." hehehe

"Aba. Kung batukan kaya kita--.."

"Caddy! Dylan! Tumigil nga kayo diyan! Parang aso at pusa kayo eh!" sigaw ni mama.

Biniksan ko yung pintuan "Si kuya kasi parang tanga na pulubi!"

"Anong ako? Ikaw naman na panget ka ang landi kasi." sabi ni kuya with blah blah blah look.

Bahala na nga siya. Baka makatay ko na 'tong kapre. Pumasok nalang ako ng kwarto at nilock ko ying pintuan.

Naligo ako at nagbihis.

Tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko ito at nakita kong nagtext si Shie.

"Cad, ba't di ka pumasok? Nakita ko si Mav na may babaeng kasama. Sino kaya yun? Basta iimbestigahin natin bukas bes.. :)"

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng CR.

Haaay. Yung kasama niya kaya na babae yung crush niya? Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mav...

A Teen StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon